Oyo Sotto's fantaserye, Bangis, is all set to air its pilot episode on TV5

Jocelyn Jimenez
Wednesday, June 22, 2011 @ 01:39PM  |  2965 views

Oyo Sotto and Danita Paner are paired together in TV5's fantaserye, Bangis, which is expected to start airing by the first week of July.
Photo By: Paolo Fernandez













Malapit na ang nakatakdang airing ng fantasy-adventure show ng TV5, ang Bangis. Ito ang papalit sa katatapos lang na drama series na Mga Nagbabagang Bulaklak.

Ito ang first TV adaptation ng Kapatid network, mula sa komiks novel ng National Artist, at comic writer and producer na si Carlo J. Caparas.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa executive producer ng Bangis na si Roselle Lorenzo, ibinahagi nito ang pinaka-konsepto ng nasabing palabas.

"Carlo J. Caparas komiks siya. Lovable si Bangis, gentle giant, so mala-Kingkong na tumutulong siya sa tao, ganyan.

"Although napagkamalan siya [masama], e, dalawa kasi yung buhaya, si Itim, yun yung kontra bidang crocodile, si Bangis yung mabait, [at] kaibigan nung bata."

Makailang beses na din na ginawan ng TV adaptation ang mga gawa ni Carlo J. Caparas Ang ilan ay lumabas sa GMA-7 tulad ng Kamandag (2007), Joaquin Bordado (2008), at Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang (2009).

Maging ang ABS-CBN ay gumawa rin ng TV adaptation ng gawa ni Carlo J. Caparas na Elias Paniki (2010).

BANGIS. Ang kuwento ng bagong palabas na ito ng Kapatid network ay iikot sa isang mabait at palakaibigang buhaya na si Bangis.

Ayon kay Roselle, ang unang mga episode daw ng palabas ay magpapakita ng kasaysayan ng Sitio Talim.

"Kasi kaya siya tinawag na Sitio Talim, kasi nung unang-unang araw pa, inaalagaan ng mga buhaya itong sitio na 'to, itong barrio na 'to.

"Tapos nung time na may mga piratang dumating, parang na-protect sila ng mga buhaya para hindi masakop ng mga pirata. So meron kaming kuwentong ganun sa opening, yun yung history niya.

"So simula nun, parang inano ng mga tao sa sitio na aalagaan natin sila, they are our protectors, kaya nagkaroon sila ng Buhaya Festival. May isang episode kami, Buhaya Festival kami, so sine-celebrate nila. Very Pinoy talaga yung attack namin sa show."

Unti-unti raw ang pagpasok ng karakter ng mabuting buhaya na si Bangis. Magsisimula daw ito noong bata pa ang nasabing buhaya.

"Yung parents nung kid napulot nung baby pa si Bangis, 'tas inalagaan siya na parang tao. So parang sabay pinalaki si Bangis 'tsaka si Eboy, so ang turingan nila magkapatid talaga.

"Tapos eventually, nagkaroon ng patayan, may opening kami, e, kasalan tapos may patayan na nangyari. Ang pumatay talaga si Itim, pero ang nalaman ng mga taga-barrio, 'yung buhaya.

1  2  3  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name