guide

JM de Guzman cites professionalism and discipline learned in Mula sa Puso; launches self-titled album of love songs

by Melba Llanera posted on August 11, 2011  STATS: 4562 Views | 14 Comments
  JM de Guzman on Jessy Mendiola being linked to an Azkal player: "Nagsabi ako na nagagandahan ako sa kanya and I like her. Pero, hanggang dun lang. I can say na wala namang nangyari to begin with kaya walang dapat isipin." Photo By: Noel Orsal

Unang sabak pa lang sa projects na ipinagkatiwala kay JM de Guzman, from Kristine Series hanggang sa Mula sa Puso where he plays the role of Gabriel, kinakitaan na ng husay at lalim sa pag-arte ang young actor.

It was 13 years ago nang unang sumubok na makilala sa mundo ng showbiz si JM, pero kailan lang nabigyan ng magagandang breaks.

Kung magtutuluy-tuloy ang magagandang mga proyekto na ginagawa ni JM, hinuhulaang isa siya sa kikilalaning mahusay na aktor sa kanyang henerasyon.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay JM noong taping ng Mula Sa Puso para sa finale week ng nasabing serye, tinanong namin ang young actor kung ano ang susunod niyang project.

"Sa ngayon, wala pa akong naririnig na next project ko. Pero [iba] ang paniniwala ko naman sa buhay.

"Ayokong mag-expect. Ang gusto ko lagi ay mag-hope for the best.

"Sa susunod kong projects, kung [anong] genre at kung sinuman [ang makakasama ko], sana sa genre na di ko pa nasusubukan. 

"Siguro yung pagiging kontrabida sa soap, open ako dun bilang aktor.  Gusto ko lahat masubukan ko. 

"Sa leading lady naman, kahit sino na hindi ko pa nakakatrabaho.

"Kasi, kahit sinong tao, may iba't iba kang matututunan sa kanila."

Ano ang feeling niya na isang linggo na lang ang Mula sa Puso at magpapaalam na ito sa ere?

"Malungkot na masaya. Kasi para na rin kaming pamilya sa set. Masaya kasi ito 'yung first [big] break na ibinigay sa akin.

"Mami-miss ko 'yung araw-araw kaming magkakasama sa show. Kasi, from the director, cast, isang pamilya ang turingan namin dito. 

"Saka marami akong natutunan dito. Unang-una na yung professionalism at disiplina. At laging relaxed lang sa lahat. 

"Pag hindi mo makuha sa una [ang eksena], makukuha mo din eventually."

1  2  3  Next »

more on this story

RELATED ARTICLES

Show/Hide Comments

14 Comments

  • 14  cygnet210

    08/11/2011 | 06:21 PM
    magaling xa..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  kilabotako

    08/11/2011 | 01:46 PM
    well,,ok siya,,magaling umarte pero nakukulangan ang tao sa star apil,o dahil may nakikita ang tao na mas higit sa kanya,,well,mahalaga nga lang naman may work ka,at hindi ka nasisira sa showbiz,just work decently,proffesionaly,may disiplina s asarili at sa life mo,,sa dami ng stars habang bata tamang gawain lang,kase nasa tao naman iyan if gugustuhin kanila o hindi,if not,.tamang work kanalang,magtapos ng college,maging ehemplo at magka silbi sa bayan,pretyy naman tlaga si JESY MENDIOLA,mala KRISTINE HERMOSA-SOTTO ang ganda,may star apil,pero mas bagay kay jesy si GERADLANDERSON O IVAN DORSCHER.ok din ang walang loveteam na ganyan,kahit sino basta work lang naman,o kaya mas ok maging singer o composer na lang muna si jm,maiba naman,.love ko din si PIERO VERGARA,LANCE CHRISTHOPER,VIVO OAUNO,PAOLO AVELINO,EJ FALCON,CARL GUEVARA,DEX QUINDOZA,PRINCE STEFAN etc,
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  StocksAndBonds

    08/10/2011 | 11:26 AM
    yeah i agree, nothing beats the original. kahit sabihin na nating maganda rin ang storya ng remake, pati cast pero lamang pa rin yung na-una. and i'm a fan of both jm and enrique. maging si ryan a. agree ako sa isang poster, kayang makipagsabayan ni ryan sa mga batikang arista, he was a revelation in pieta.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  rondenelli2008

    08/10/2011 | 09:21 AM
    saw him in Uge's Babae sa Septic Tank. And im a fan, an instant one. his acting prowess is something to look forward to.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  chismax

    08/10/2011 | 09:09 AM
    wafu mo nmn...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • maldito

    08/10/2011 | 06:38 AM
    magaling siya. graduate ng Theater Arts sa UP Diliman.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • showbizdak

    08/10/2011 | 01:04 AM
    pa-simple lang pero matindi ang appeal ni JM. looks and talent pinagsanib. may boses din. and yung kulay nyang moreno is napaka-masculine. versatile, pwede rin syang pang character actor as well as bida. ganda ng akting nya sa mmk sa mule episode. hayyz, wag lang sana lumaki ang ulo. i'm a captive fan!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • dandalion107

    08/10/2011 | 12:43 AM
    Watch this guy, I can already predict him as the next John Loyd Cruz dahil very deep ang acting niya being a newcomer.Napapaiyak niya ako sa Mula sa Puso. Sa mga director at sa mga nag iisip sa casting I rather prepared a soap opera or movie drama na ang casting ay sina Ryan Agoncillo at JM de Guzman as brothers kasi nakita ko na ang acting ni Ryan sa "Pieta" na kayang kaya niya ang maging mabait at barumbado.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • critical_critic

    08/09/2011 | 10:10 PM
    mukha syang pinaghalong alfred vargas, john estrada at dominic ochoa dito sa picture
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • jakar

    08/09/2011 | 07:36 PM
    dominic ochoa kawba yan???lol
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • critical_critic

    08/09/2011 | 07:25 PM
    waaa, di ko sya kilala. makasilip nga minsan sa dos para ma-knows ko naman yung artists nila. baka may nasasalubong nako sa labas di ko pa alam
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • voice_of_reasaon

    08/09/2011 | 06:54 PM
    super love him talaga!! marry me!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • capisceniente

    08/09/2011 | 06:51 PM
    Magaling siyang umarte. Pero mas gusto ko pa rin ang original na Mula Sa Puso. Grabe ang impact ng teleserye na yun noon. I remember people rushing to go home early i the evening to catch every episode of MSP. Yung remake ngayon, okay din kaso lang medyo nakakainis ang progress ng story, si Selena ilang beses na nahuli, ilang beses na rin nakatakas. Parang hindi kapani paniwala sa tunay na buhay, hindi naman ganun katanga mga police natin, hehehe...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • gopinoy

    08/09/2011 | 06:44 PM
    super ganda ng MSP! kakaiyak bawat eksena nilang lahat magmula kay kabo hanggang kay selina grabe ang drama huhuhu mamimiss namin silang lahat. mas maganda ito ng di hamak sa unang MSP ayon na rin kay direk wenn..but really, kudos to the whole cast! love via and gabriel!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About