Palagi raw siyang natatanong tungkol kay Amy Perez at sa show nitong Face To Face.
Ito ang sinabi ni Ali Sotto noong nakausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng bago niyang show, Personalan, sa GMA TV Complex kamakailan.
Ang Personalan kasi ay isang talk-drama program na nahahawig sa Face To Face ni Amy.
"I'm always asked [this]... Of course Amy is a good friend, and as I always say, 'Si Amy Perez ba, kinopya ang The Jerry Springer Show?'
Ang The Jerry Springer Show ay isang programa sa America where guests confront each other about domestic problems such as adultery and homosexuality and other controversial issues.
"'Yan ang tanong, di ba? Alam mo naman dito sa industriya natin, formula lang 'yan e, di ba? Sa kahit ano, ke talk show yan, o soap yan, may mga formula na masusunod.
"Kanya-kanya lang tayong execution, di ba? Iba yung take niya dun sa formula na yun at iba-iba rin yung take namin, yung execution namin," pahayag ni Ali.
Sabi nga, there is no original concept.
"Tumpak ka dun!"
Sa Personalan, pinaghaharap ang mga tao na may alitan o hindi pagkakaunawaan. Pero hindi naman raw mala-Jerry Springer ang show.
"Actually hindi. Ano naman yun, this is the mild version.
"Wala kaming violence. I think that's the most powerful message that we [convey], bawal sa amin ang sakitan."
Was there a time na hindi nila naiwasan na may nagsakitan?
"Merong nag-threaten, tumayo na siya, nagpapaalam na siya na sasampalin na niya. Nagpaalam muna siya pero tumayo na siya.
"Sabi niya, 'Ito lang, minsan lang, hindi na talaga ako makakapigil!'




CALLED OUT
ALL COMMENTS
2 capisceniente
1 hotmomma15