Una siyang nakilala bilang matinee idol, pero ngayon isang bagong Aga Muhlach na ang makikita sa first edutainment show ng TV5, ang Pinoy Explorer.
Sa palabas na ito, mapapanood natin si Aga sa kanyang paglalakbay sa magaganda ngunit hindi pa kilalang mga lugar sa iba't ibang bansa.
Sa naganap na presscon kagabi, September 12, sa Nido Discovery Center sa SM Mall of Asia, Pasay City, sinabi ni Aga ang kaibahan ng bagong palabas na ito sa ibang existing travel show.
"Hindi siya totally about travel," saad ni Aga.
"It's the world, its really exploring.
"[Its] not only traveling but exploring like from culture to arts, to food and marami, 'no, iba't ibang tao at pagkatao, maraming puwedeng puntahan.
"But, basically now we're focused on entertaining kids, and because we have 6:30 time slot.
"I'm thanking TV5 for giving me that time slot.
"It's just that happy na happy ako to be back again, sa time na mga bata ulit yung manonood sa akin."
THE AMAZING RACE PRODUCER ON BOARD. Para sa isang travel show na tulad nito, dapat ay maayos ang flow ng kanilang mga flights at mga tutuluyan.
Ayon sa head ng creative and entertainment production ng TV5 na si Perci Intalan, hindi naging madali ang pagpaplano ng magiging takbo ng kanilang pagsu-shoot.
Aniya, "Ang madugo sa kanya, anybody who plans a trip like this, na ganitong madaming leg, ang madugo is finding the right combination of flights, of vehicles, of hotels...Literally lilipad na lang kami nagi-iba pa yun kasi nagi-iba yung itinerary, e.
"'Tsaka, nate-tense kami na isa lang sa amin ang hindi magising, meron lang maligaw, ma-miss lang namin ang isang flight sasabog talaga, e."
Kaya naman naisipan nilang makipagtulungan sa isang producer at coordinator ng American reality show na The Amazing Race.
"The itinerary was planned with a coordinator in the States, he's Steve and his wife si Tamara.





