Lorna Tolentino and Alice Dixson compete for love and success on TV5's new primetime soap opera, Glamorosa

Jocelyn Jimenez
Sunday, November 06, 2011 @ 08:38PM  |  8220 views

(L-R) Alice Dixson, Ritz Azul, and Lorna Tolentino are the lead stars of TV5's newest primetime show titled Glamorosa. It will start airing tomorrow, November 7, after Wil Time Big Time.
Photo By: Noel orsal













Matapos gampanan ang makasariling si Alondra sa ABS-CBN primetime soap opera na Minsan Lang Kita Iibigin, magiging inaaping palaban naman ngayon si Lorna Tolentino sa TV5 primetime show na Glamorosa.

Naganap kagabi, Nobyembre 5, ang red carpet presscon ng show sa 14th floor, Meralco Lighthouse ng Meralco Building sa Ortigas, Pasig City.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press si Lorna, at sinabi niya na wala naman masyadong kakaiba sa teleserye na ito kumpara sa mga dati niyang proyekto.

"Kasi pauit-ulit lang naman talaga ang tema ng teleseryes at ng istorya," paliwanag niya.

"Ang difference na lang is ito 'yong tuma-tackle on beauty industry, 'yon 'yong difference niya.

"Pero 'yong nawalan ka ng anak, inagawan ka ng asawa, inaapi ka, nang-aaway ka, o ikaw ang salbahe- paulit-ulit lang 'yon."

BIDA-KONTRA BIDA. Ang Glamorosa ay kuwento ng dalawang cosmetic surgeons na bukod sa pagtatagisan kung sino ang mas magaling na doctor, ay naglalaban para sa puso ng iisang lalaki.

Si Natalia (Lorna Tolentino) ay isang mayaman na cosmetic surgeon, na susubukang paibigin ni Karl (Zoren Legaspi) sa utos na din ni Paulina (Alice Dixson).

Pero, ang sa una'y pagpapanggap lang ay mauuwi sa tunay na pagmamahalan dahil tuluyan nang mahuhulog ang loob ni Karl kay Natalia.

Pero dahil sa isang trahedya ay mawawalay si Natalia sa kanyang pinakamamahal na lalaki at sa kanilang anak.

Samantla, maiipit sa gulo nina Natalia at Paulina ang dalagang si Giselle (Ritz Azul) na hinahanap ang tunay niyang pagkatao.

Sa kuwento sa amin ni LT (palayaw ni Lorna) mensahe ng palabas na ito ay tungkol sa panlabas na anyo ng isang tao.

Aniya, "Ang talagang tema kasi ng ano namin, ng istorya namin, ang importante is it's not only the physical beauty that is important.

"What is important, sabi nga nila, the true beauty comes from within.

"So, ang ibig sabihin no'n inner beauty— goodness, kindness, generosity— lahat nang masasabi mo na maibabaon mo na maganda kapag nawala ka na sa mundong ito dahil lahat tayo maaagnas din."

1  2  3  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name