Sarah Lahbati overcomes her fear of frogs while doing GMA-7's afternoon soap, Kokak

Jocelyn Jimenez
Sunday, November 06, 2011 @ 12:28AM  |  79 views

(L-R) JC Tiuseco, Sarah Lahbati, and TJ Trinidad topbill GMA-7's newest afternoon drama series, Kokak, that will start airing by November 14.
Photo By: Noel Orsal













Hanggang ngayon ay hindi makapaniwala ang StarStruck V alumna na si Sarah Lahbati na siya na ang bida ng upcoming afternoon serye ng GMA-7, ang Kokak.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press si Sarah noong Huwebes, Nobyembre 3, sa presscon ng Kokak na ginanap sa 17th floor, Executive Lounge ng GMA Network Center sa Timog Avenue, Quezon City.

Hindi na nag-audition si Sarah para maging lead role ng show, sinabihan na lang daw siya Arsi Baltazar ng GMA Artist Center na may bago na siyang proyekto.

Aminado si Sarah na may pressure siyang nararamdaman dahil remake ang pagbibidahan niyang show.

Una na kasing ginawa ang Kokak noong 1989 na pinabidahan ni Rachel Lobangco, sa direksyon ni Leroy Salvador.

"Napakagaling na aktres no'ng direktor [Leroy Salvador], at ang husay ng cast, sobrang nanginig talaga ako," kuwento niya.

"Pero, nangingibabaw 'yong kasayahan ko and excitement na mas lalong galingan, mas lalong mag-aral kung paano maging effective na Kara.

"Kumbaga para mas mabigyan ng justice 'yong role ko as Kara."

FEAR OF FROGS. Ang Kokak ay kuwento ni Kara (Sarah Lahbati), ang dalaga na nagiging palaka sa tuwing nababasa ng tubig ang kanyang mga paa.

Ito'y bunga ng sumpa ni Veronica (Deborah Sun) sa mga magulang ni Kara na sina Renato (Gary Estrada) at Angela (Jessa Zaragoza).

Mawawalay si Renato sa kanyang mag-ina, kaya magdedesisyon si Angela na ilayo si Kara sa mga tao at manirahan na lamang sa gubat.

Walang muwang si Kara sa kung anong meron sa labas ng gubat. Kaya naman nang maligaw at maaksidente ang mayamang binata na si Carl (TJ Trinidad) sa gubat ay tinulungan siya ni Kara, at doon  magsisimula ang kanilang pag-iibigan.

Ngunit, ilang lihim sa kanilang nakaraan ang magiging dahilan upang maudlot ang nagsisimula nilang pagmamahalan.

Marami sa mga eksena ni Sarah ay may kasamang palaka. Hindi ito naging madali para sa dalaga dahil may takot si Sarah sa palaka.

Gayunman, unti-unti ay nasasanay na daw ang aktres.

1  2  3  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name