Muling nagbalik si Michael de Mesa para sa dalawang dahilan: ang dalawin ang kanyang pamilya, at para gawin ang bagong primetime show ng TV5 na Valiente.
Tatlong taon nang naninirahan sa Los Angeles, California si Michael, kaya naman ang tanong ng lahat: paano siya nakumbinsi ng Kapatid network na gawin ang proyekto na ito?
"Valiente kasi is an important part of my life, it's close to my heart," sagot ng beteranong aktor nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Lunes, Enero 30, sa Hacienda Leviste, Lipa, Batangas.
Pagpapatuloy niya, "So, five years of my life was dedicated for Valiente.
"So, when they mentioned that they're planning to do a remake and they wanted me to be a part of this new cast, I didn't have to think twice.
"Did you see the trailer? I feel proud!
"Of course it is a joy to still be considered to be a part of it and I wanted to be part of it."
THE REMAKE. Isa si Michael de Mesa sa mga pangunahing tauhan sa orihinal na Valiente.
Si Michael ang gumanap na Gardo Valiente, at kasama niya sina Tirso Cruz III (Theo Braganza), Glenda Garcia (Leona Braganza), at Mariz Ricketts (Maila Braganza).
Nilinaw ni Michael na ang bersyong ito ng Valiente ay "remake" at hindi isang "sequel," kung kaya iba ang ginawang atake sa seryeng ito.
"This Valiente in 2012 is definitely a bigger scale," pahayag niya.
"Then we have new characters presented in, you know, it's now the modern era.
"Then maraming twists and turns sa story na wala sa original."
Bilang ang orihinal na Gardo, masaya raw si Michael na makitang may sariling atake si JC de Vera sa karakter nito.
Si JC kasi ang gaganap na Gardo sa remake ng Valiente.






