PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gerald Anderson on relationship with Maja Salvador: “Masaya naman kami.”

Gerald feels like “floating” because of his special someone.
by Nerisa Almo
Published Apr 11, 2013
“Medyo corny or cliché, pero ang feeling mo, di ba, parang nagpu-float. Lahat kaya mong gawin, nagpu-float ka. You’re floating away sa lahat ng problema kapag kasama mo yung taong ‘yon,” says Gerald Anderson about having a special someone.

Natawa ang young actor na si Gerald Anderson nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung mainit din ba ang kanyang lovelife tulad ng panahon ngayon.

“It’s hot kasi it’s summer but it’s cold because of Flip Floats,” sagot niya nang sandali siyang makapanayam ng PEP bago mag-serve bilang crew ng Jollibee noong Martes, April 9, sa branch nito sa Greenmeadows, Quezon City.

Ngayong summer ay bumibisita si Gerald sa iba’t ibng Jollibee stores bilang promotion na rin ng iniendorso niyang inumin na Flip Float.

Paliwanag ni Gerald, “Seriously, alam mo kasi… Ito ha, alam mo yung feeling kapag you find someone special?

“Parang medyo corny or cliché, pero ang feeling mo, di ba, parang nagpu-float.

“Lahat kaya mong gawin, nagpu-float ka.

“You’re floating away sa lahat ng problema kapag kasama mo yung taong ‘yon.”

“Like I said, sa dami kong blessings, wala akong karapatan para magreklamo.”

Hindi direktang pinangalanan ni Gerald kung sino ang someone special na tinutukoy niya. Pero sa mga sumunod na sagot niya sa tanong ng PEP, maaaring masabi na ang tinutukoy niya ay si Maja Salvador.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matatandaan na kamakailan ay lumabas ang ilang larawan ng 24-year-old actor mula sa ilang out-of-town trips.

Sa mga larawang ito, makikita na kasama ni Gerald ang kasalukuyang nali-link sa kanya ngayon, ang 24-year-old din na si Maja.

Kaya naman tinanong ng PEP kung kumusta na sila ngayon.

“Okay naman. Ang importante sa ngayon is happiness. You know, that’s all I really need to say,” ang maiksi at paiwas na sagot ni Gerald.

May mga balak pa ba silang vacation trip ni Maja?

Sagot ni Gerald, “Wala naman. Go with the flow lang kami. Kung ano’ng meron.

“Just like I said, masaya naman kami, ‘yon naman ang importante.”



“LAGING MAY INTRIGA.” Bagamat medyo tahimik ngayon ang showbiz life ni Gerald kumpara noong mga nakaraang buwan, hindi ibig sabihin nito na wala na rin siyang natatanggap na intriga.

Aniya, “Hindi naman nagbabago ‘yon, e. Laging may intriga.

“It just depends kung mas mabigat ang intriga kaysa [sa iba].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Minsan you just have to be thankful sa mga blessings na meron ka.”

Para kay Gerald, tanggap na niyang laging nakadikit ang intriga sa mga artista.

Sabi pa niya, “It comes with the territory.

“Kumbaga, sa trabaho namin damay-damay ‘yon.

“Ikaw, as much as possible, as a celebrity, gagawin mo ang lahat para balanse.”

Para maiwasan ito, sabi ni Gerald, “Kahit mahirap ang problema, kung sino ka talaga, huwag mong kalimutan ‘yon. Tuloy pa rin ang buhay, e.

“Hindi ko naman sinasabing hindi naaapektuhan.

“Kumbaga, sino ba ang hindi maaapektuhan sa mga nagsasabi ng mga masasama tungkol sa ’yo?

“But you have to stay positive. I’m just thankful sa mga blessings.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
“Medyo corny or cliché, pero ang feeling mo, di ba, parang nagpu-float. Lahat kaya mong gawin, nagpu-float ka. You’re floating away sa lahat ng problema kapag kasama mo yung taong ‘yon,” says Gerald Anderson about having a special someone.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results