PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

PEPtalk. John Lloyd Cruz on marriage talks: “I guess I’ll never know. I guess it will just happen when it’s supposed to happen.”

John Lloyd further says, "You tend to think kung 'Siya na ba?' And couple of times, naisip ko if ang partner ko is very much a wife-material pero it doesn
by Nikko Tuazon
Published Apr 16, 2013
John Lloyd Cruz on discussing previous relationships: "Parang hindi naman dahil ex mo sila e may karapatan ka nang pag-usapan sila kung kelan mo gusto, especially, sa mga pagkakataong ‘to. Because baka hindi nila magustuhan yung idea, e. Yung konsepto. So, ako, wag na lang."Click

Ilang bagay tungkol sa box-office hit na It Takes A Man And A Woman, ang bagong pelikula nila ng Popstar Princess na si Sarah Geronimo, ang napag-usapan sa unang bahagi ng PEPtalk interview kay John Lloyd Cruz.

Kaugnay nito, nilinaw rin ng Kapamilya actor ang pahayag niya tungkol sa “early retirement” sa press conference ng kanilang pelikula.

At sa pagpapatuloy ng panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) section editor na si Demai Sunio-Granali at ng PEP contributor na si Rose Garcia kay John Lloyd, lovelife naman niya ang tinalakay.

Ngunit bago ito, sinagot muna ni John Lloyd ang hanging question kung dapat nga bang abangan ng fans ang kissing scene nila ni Sarah kung sakaling magkaroon ng isa pang sequel ang kanilang pelikula.

Sagot ni John Lloyd, “Para kasing, ako ba ang dapat magpaliwanag nito?

“Kasi hindi ba dapat sila [scriptwriters]? Hindi ba dapat siya?

“Mahirap, e. You know? Basta ako, ganito na lang... When you get to that point, isa na lang isipin mo—respeto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Irespeto yung gusto ng iyong leading lady.”

Hindi naman lingid sa kaalaman ng marami na hindi pa pumapayag si Sarah na magpahalik onscren.

Rose: “And in fairness sa ‘yo, a. Tatlong movie n'yo na, nandoon pa rin yung respect mo [kay Sarah].”

John Lloyd: “In this last one, I wouldn’t say na naging madali, pero still, di ba? Actually, nag-kiss naman [sa movie], e.”

Biro pa ng aktor, “Ano bang gusto mo? With tongue?”

WORKING WITH ISABELLE. Sa press conference na naganap para sa YES! 100 Most Beautiful Stars noong July 2011, nabanggit ni John Lloyd na nais niyang makatrabaho ang Kapuso actress-host na si Isabelle Daza.

Nagkatotoo naman ito dahil si Isabelle ang gumaganap na bagong girlfriend ni John Lloyd sa It Takes A Man And A Woman.

Tila naaliw si John Lloyd nang banggitin ito ng PEPtalk host na si Demai.

Aniya, “Talaga? Dami na kasing nangyari pero ano ako, sobra akong proud kay Belle sa pelikulang ‘to.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag pa ni John Lloyd, “Some people were saying na parang it was a shallow character.

"Parang andun lang siya, hindi mo alam kung ano ba talaga yung—you know, bakit siya nag-e-exist dun sa story o sa movie.

“Kasi pag in-elaborate namin yung story namin, baka isang pelikula mabuo, e.

"Pero dun sa ibinigay, dun sa opportunity, dun sa chance na binigay sa kanya, she really did it so well.

“You know, physically, consistently, she was so beautiful. The break-up scene, she was very good.

“Parang ako, for me, she was a revelation. And I told her, I told her that.

“Talagang nagpapasalamat ako sa kanya, she took the role, she took the risk.

“It’s not easy, e. Because you have yung tandem tapos papasok ka. Baka may tendency, you know, baka i-hate [or] tratuhin kang kontrabida.

“Pero, it turned out very well para sa kanya.”

LOVE LIFE. Sa pagpapatuloy ng panayam, kinuha na rin ng PEPtalk hosts ang pagkakataong tanungin si John Lloyd tungkol sa estado ng kanyang buhay pag-ibig.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Rose: “So, John Lloyd, puwede bang konting usaping lovelife?”

Biglang hirit ni John Lloyd, “E, bakit humihina yung boses mo?

Rose: “Oo, baka kasi mamaya bigla mo akong anuhin… Chos!

“O, sige... Sa usaping lovelife, kasi si Angelica [Panganiban], very vocal siya about sa relationship ninyo—kung gaano siya ka-proud sa ‘yo pag nagpo-post siya sa Instagram niya [at] sa Twitter.

“Ikaw naman, napapansin namin parang more on the quiet side ka. Bakit?”

John Lloyd: “Kasi magkaibang tao kami. Kasi…”

Rose: “Mas choice mo 'yan ngayon?”

Paliwanag ni John Lloyd, “Unang-una kasi, don’t get me wrong, I’m so proud of her. Yung talent niya, yung dedication.

“How much hardwork she put into something pagka talagang tinanggap niya yung trabaho.

“Have you seen her lately sa Apoy Sa Dagat, yung ginawa niya sa two characters? I’m very very proud of her.

"Pero siya kasi may venue, e. And I don’t have that venue.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, people mistake that for something else na parang magkaiba kami, e.

“Siya, vocal siya. Nagkataon lang po na may Instagram, nagkataon lang po na siya, may Twitter, may Instagram.

"Pero, you know, sa pamilya namin, in between friends, I’m very proud of her.

“And sometimes, when you’re in a relationship, ako, ang thinking ko is, before yung buong mundo, kayo muna.

“I don’t think na nagkukulang ako sa kanya sa pagpapaalala ko kung gaano ako ka-proud sa kanya.”

Demai: “Ayan, Tabing Ilog days mo, 'tapos si Angelica naman was a big child star at that moment. Naisip mo ba na someday liligawan mo siya or magiging kayo? Dumating ba sa ano mo yun?”

John Lloyd: “Hindi. Never... never.”

Demai: “Hindi mo na-imagine na sa future..?”

John Lloyd: “Alam n'yo, at one point, pareho pa yata naming ayaw ang isa’t isa dati. So, hindi talaga siya nag-exist before. Tapos nagkatrabaho kami sa isang pelikula.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Rose: “Sa Keybol [1995 TV show ng ABS-CBN] dati natatandaan ko dati nagkasama kayo.”

John Lloyd: “Oo, 'tsaka nagka-caravan shows kami abroad.”

Rose: “Pero bata pa siya. Ikaw…”

John Lloyd: “Hindi, hindi... Pag nagsu-show kami abroad, like sa Rome. Nung nag-Rome kami 2008 ata yun kasama namin sina Kuya Gabby [Concepcion].

"Sila—yun ata yung she was doing Scarlet [Iisa Pa Lamang], yung role na yun with Claudine [Barretto], with Gabby Concepcion.

“That time nagpunta kami ng Rome para sa isang caravan show, hindi naman kami nagdedmahan or ano…”

Rose: “I still remember, nung Keybol days, ikaw nanliligaw na ng mga [matatanda]. Si Angelica, bagets pa talaga nun.”

Patawang tanong naman ni John Lloyd, “Anong gusto mo palabasin? Yung edad? Gano'n?

“Hindi naman ganun kalayo yung age difference namin. Tatlong taon lang.”

“I’m 29, she’s turning 26,” paglilinaw pa ng aktor.

ON MARRIAGE. Bilang nasa edad na rin si John Lloyd, kung saan madalas napag-uusapan ang pagpapakasal, tinanong ni Rose kung pumapasok na rin ba ito sa isip ng aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sagot ni John Lloyd, “Hindi, hindi pa po.”

Ano nga ba ang ideal age ni John Lloyd para magpakasal?

Kuwento naman ni John Lloyd, “I met this guy, Anton del Rosario, yung sa Azkals. Very pleasant guy, he was so nice.

“Kasi wala sa hitsura niya. Parang, hindi ba, pagka Azkal, alam mo yun? Parang tough na... pero he was sweet.

"He made me meet his fiancée kasi he just got engaged, e.

“I was asking him, ‘How do you know?’ Sabi niya, ‘You just know, you just know.’

“So, hindi ko alam. To answer the question, I guess I’ll never know. I guess it will just happen when it’s supposed to happen.”

Rose: “Hindi pa ba dumating sa point ng buhay mo na ‘Ito na kaya?’ or ‘I want na?’ Hindi pa yun? Never pa?”

John Lloyd: “Hindi pa, hindi pa. Dati may mga moments na hindi maiiwasan when you’re with a partner, you think long-term, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And you tend to think kung siya na ba and couple of times, naisip ko if ang partner ko is very much a wife-material pero it doesn’t mean na gusto mo na mag-asawa."

EX-GIRLFRIENDS. Hindi lingid sa kaalaman ng marami ang pagiging makulay ng buhay pag-ibig ni John Lloyd. Kaya naman tinanong siya tungkol sa kanyang past relationships.

Rose: “John Lloyd, puwede kaming magbigay ng pangalan ng mga [ex-girlfriends] mo?”

John Lloyd: “Tapos? Puwede naman kayong magbigay ng pangalan, pero tapos?”

Rose: “Tapos sasabihin mo lang kung ano yung something na hindi mo makakalimutan sa kanya?”

John Lloyd: “Ako, personally, Ate Rose, I’d rather not talk about them kasi hindi lang naman ako, e.

“They might not like me talking about them. So, I’d rather not kasi, again, babalikan mo yung respeto.

“You go back to basics, di ba? Respeto.

"Parang hindi naman dahil ex mo sila e may karapatan ka nang pag-usapan sila kung kailan mo gusto, especially sa mga pagkakataong ‘to.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Because baka hindi nila magustuhan yung idea, e. Yung konsepto. So, ako, wag na lang.”

Biro pa ni John Lloyd, “Kung ipu-push n'yo, ipapatawag ko ang lawyer ko.”

Read Next
Read More Stories About
 John Lloyd Cruz, PEPtalk
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
John Lloyd Cruz on discussing previous relationships: "Parang hindi naman dahil ex mo sila e may karapatan ka nang pag-usapan sila kung kelan mo gusto, especially, sa mga pagkakataong ‘to. Because baka hindi nila magustuhan yung idea, e. Yung konsepto. So, ako, wag na lang."Click
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results