Sun, April 20, 2014
Celeb Style/Homes-family
Text size: A A A
Judy Ann Santos "excited but nervous" about hosting Junior MasterChef
By Melba Llanera
05/30/11 03:28 pm

 

Pagkatapos magpahinga ng mahigit isang taon, balik-telebisyon muli ang young superstar na si Judy Ann Santos via Junior MasterChef Philippines ng ABS-CBN. 

 

Matatandaang nagpahinga si Judai nang mabuntis siya at ipanganak ang anak nila ni Ryan Agoncillo na si Lucho.

 

FIRST HOSTING JOB. Bagamat excited at masaya ang aktres sa kanyang pagbabalik-telebisyon, aminado siyang kinakabahan siya dahil ito ang first time na magho-host siya ng isang TV show.

 

"Very different siya sa lahat ng ginagawa ko kasi unang-unang beses kong magho-host. 

 

"Gusto ko siya kasi even before pa na prinesent sa akin ito, napapanood ko na. 

 

"Nung prinisent na nila sa akin, nakita ko pa lang yung logo, na-excite na ako.

 

"Halos maluha-luha na ako sa excitement kasi alam ko yung show. 

 

"Isang ganun pa lang ng mga itlog na sumasabog, alam ko na," sabi ni Judai nang nakausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa studio ni Raymund Isaac last Monday, May 9, para sa pictorial niya sa Junior MasterChef.

 

Ang Junior MasterChef ay franchise ng sikat na reality cooking competition para sa mga bata na nagsimula sa Australia.

 

Dagdag ni Judai, "One hundred fifty percent ang kaba ko kasi hindi ko alam kung hanggang saan ang kapasidad ko na umintindi ng mga spiels.

 

"Hindi naman ako magaling mag-adlib, hindi naman ako parang si Ryan [Agoncillo] na mahusay siyang magsalita. 

 

"Sabi ko sa kanya [Ryan], 'Puwede bang sa rehearsals nandun ka,' para lang ma-guide niya ako.

 

"Sabi niya, "Madali lang 'yan sa iyo. Hindi mo na mapapansin na nagsasalita ka na kasi nae-enjoy mo na ang ginagawa mo. Sa umpisa lang na kakabahan ka.'

 

"Sabi niya sa akin, enjoy-in ko lang lang daw, tapos ilagay ko yung lahat-lahat dun sa show.

 

"Alam kasi ni Ryan na pag may hino-host kaming awards nights at mga pageants na ganyan, ako yung unang-unang natatakot. 

 

"Ito kasi, hindi ka rin puwedeng magkamali ng spiels kasi mga bata ang pinapaliwanagan mo, so it's really different. 

 

"Sana, may pressure man na slight, maabot ko kahit kaunti yung ine-expect ng mga tao ng pagiging host na maayos."

 

Aminado si Judai na malapit sa puso niya ang nasabing show dahil bukod sa may malalim din siyang interes sa pagluluto, puro bata ang contestants dito.

 

"So, it's really different sa mga cooking shows na napapanood natin before."

 

WHAT ABOUT ACTING? Isa sa itinuturing na pinakamahusay na aktres ng kanyang henerasyon si Judy Ann. Kaya tinanong namin siya kung bukas pa ba siya sa paggawa ng mga teleserye kung saan talaga siya nakilala at hinangaan.

 

"May mga usapan, pero nag-iisp pa rin kami ng magandang istorya," sagot niya.

 

"Kasi, parang lahat na rin ng ginagawa ngayon, kung hindi remake, kagaya sa ibang bansa, or mag-ina na nahiwalay o magkapatid sa ending. 

 

"I want a story that's refreshing na hindi pa talaga napapanood na ganung story.

 

"Nagre-ready pa rin ako kasi hindi ko pa kaya na matagal mahiwalay sa mga bagets ko.

 

"Kasi, nasanay ako for eight months na sila lang ang nakikita ko, kami lang ang magkakasama. 

 

"Pag nag-start ka na uli mag-taping, may mga restrictions ka ng time, location.

 

 

"Kasi, ako lang, maarte ako. Inaamin ko po, maarte akong ina. 

 

"Marami akong demands pagdating sa anak ko. 

 

"What's good with ABS is that they are more than willing to wait, and they really, really respect my decision.

 

"Saka sabi ko rin, I need to be in top condition. 

 

"Yung ganitong mga hosting, okay, kasi it won't require too much time. 

 

"Nami-miss ko yung umarte, pero hindi ko yata kaya ma-miss na malayo sa mga anak ko."

 

MOVIE WITH COCO. Pero nabanggit ni Judai na nakatakda siyang gumawa ng isang pelikula ngayong taong ito. At ang makakapareha niya ay ang award-winning actor na si Coco Martin.

 

"I think that's enough for the whole year," sabi ng aktres.

 

"Next year, pag-uusapan uli kung ano ang puwede pang gawin pag bumalik na ako sa teleserye. 

 

"Dire-diretso na 'yan, so mahirap pag wala ka dun sa bahay."

 

BETH TAMAYO. Bilang isa sa pinakamalapit na kaibigan ni Beth Tamayo, tinanong ng PEP si Judai kung ano ang reaksyon niya nang mapagkamalang si Beth ay si Elizabeth Batain na nabitay sa China dahil sa kasong "drug mule".

 

"Alam mo, pinagtawanan lang namin kasi," sabi niya.

 

"Kung may mga ganun mang mangyari, ako yung unang-unang makakaalam. And I know Beth so well.

 

"And mayroon naman kaming communication even before mangyari ang lahat-lahat ng ito, and hanggang ngayon, mayroon pa rin. 

 

"Natawa lang kami. At the same time, na-realize ko na grabe din talaga sa industriyang ito.

 

"Dahil lang kapangalan mo, at hindi ka nakikita ng mga tao, nag-one plus one na sila: 'Ay, walang picture, si Beth Tamayo 'yan!'

 

"Parang nakakalungkot lang for Beth's family, kasi sobra silang nalulungkot na wala sa tabi nila si Beth, tapos may mga ganun pang issue.

 

"So, sana kung may ganung bagay-bagay na pag-uusapan, ire-research nila nang maayos.

 

"Huwag basta-basta ilalabas kasi isipin naman nila yung mararamdaman ng pamilya, di ba?"

 

Dagdag pa niya, "I don't know her work, but she's very, very okay. Nasa pinaka-steady siyang estado sa ngayon. 

 

May balak bang umuwi ng Pilipinas si Beth?

 

"Hindi namin napag-uusapan. Kasi pag napag-uusapan namin, naiiyak kaming dalawa. 

 

"So always, pag nag-uusap kami, nagkaka-textan kami, always happy stories. 

 

"Malayo na nga kasi siya dito, dadagdagan ko pa yung lungkot niya.

 

"So, hanga't maaari, hindi kami nag-uusap ng malungkot."

 

SARAH-CRISTINE RECONCILIATION. Isa si Judai sa na-involve sa away noon nina Sarah Geronimo at Cristine Reyes. Si Judai ay malapit na kaibigan ni Sarah.

 

Masaya ang aktres sa pagkakabati ng dalawang young stars.

 

"Masaya for them kasi finally natapos na ang mga bagay-bagay.

 

"And I guess hindi yata mabubuo ang pagkadalaga mo kung wala ang ganyang mga issues. 

 

"When you reach the age of 26, looking back, pagtatawanan mo na lang yung mga bagay na iniyakan mo, di ba? 

 

"I think it's a good lesson for everybody. 

 

"Concerning dun sa issue, maraming natutunan.

 

"And hopefully sa mga nakabasa ng istorya, huwag nang uulitin ang mga ganung bagay. 

 

"Nakakatawang isipin na ang bongga ng mga bata ngayon!" tawa ni Judai.





0 Comments
« Prev :

Back to top
Search

PEP.ph


Switch to Fullsite