Thu, September 18, 2014
Features/Extra
Text size: A A A
Pauleen Luna clarifies report that she cut her hair short in rebellion
By Rose Garcia
05/14/09 10:41 am

 

Kung tutuusin, sinunod lang ni Pauleen Luna ang kahilingan ng kanyang manager na si Lolit Solis na ipaputol na niya ang kanyang mahabang buhok. Pero nagkaroon na agad ng intriga dahil sa ginawa niyang pagpapaikli ng buhok. Sinasabing paraan daw ito ni Pauleen ng pagrerebelde sa kanyang mga magulang.

 

Pero itinanggi naman ito ni Pauleen sa taped interview at live guesting niya sa Startalk noong Sabado, April 25. In fact, kasabay ng pagpapaikli niya ng buhok ay ang pagdo-donate niya ng naputol na buhok sa isang babaeng nasunog sa pamamagitan ng programang Wish Ko Lang! ng GMA-7.

 

"Gusto ko lang i-donate. Kasi si Nanay Lolit, wants my hair short. So, sabi ko, kung magpapagupit din lang ako, e, sobrang haba ng hair ko, why not donate it to someone who really needs it? So, I called up people in GMA at tumawag sila sa Kapuso Foundation. So, napakasarap ng pakiramdam," paliwanag ni Pauleen.

 

Bumagsak nga sa programang Wish Ko Lang! ang ginupit na buhok ni Pauleen para gawing wig. Pero ang mas pinag-uusapan ay ang pagrerebelde diumano niya sa kanyang mga magulang.

 

"Hindi po totoo yun!" natatawa niyang sabi. "Siguro yung mga napapabalita, konting away-away. Pero that's very normal for a 20-year-old and the parents. Siyempre, magkaiba ng views and everything. Pero hindi naman po dumating na nagrebelde ako."

 

Lumabas ang balitang ito dahil may bagong boyfriend daw si Pauleen na diumano'y hindi pasado sa panlasa ng kanyang mga magulang.

 

"Non-showbiz naman, so I won't name him na lang. Hindi kasi masyadong kilala ng family ko. Hindi ko masyadong na-introduce nang maayos. Hindi magaan ang loob," pag-amin ni Pauleen.

 

 

A FAN'S REQUEST. Sa live guesting naman ni Pauleen sa Startalk, tinanong ni Joey de Leon sa young actress ang kahilingan ng isa niyang fan na may cancer. Ang request daw nito ay ang makita siyang mag-cover sa FHM magazine.

 

"I actually received the e-mail. Finorward po sa akin ni Kuya Gorgy Rula [Startalk staff]," banggit ni Pauleen.

 

Pagbibigyan ba niya ang kanyang fan?

 

"Ah, pinag-uusapan po namin ng daddy ko. Medyo strict po ang parents ko. At saka medyo malaki yung hiling niya, so pinag-uusapan po namin."

 

Ibinalik naman ni Joey ang tanong sa sinasabing "suitor" daw na nali-link siya. Ayon kay Joey, maski sila raw yata ay hindi alam ang tungkol dito. Magkasama sina Pauleen at Joey sa noontime show na Eat Bulaga!.

 

"Ano po, this was two months ago. So, matagal na pong wala...two months nang wala. Siguro po ngayon lang napag-uusapan," sagot niya.

 

So, hindi totoo ang balitang sinusuway niya ang mommy niya?

 

"Ay, hindi po! I still live with my parents. At saka kami po, may rule po kami sa bahay na kapag doon ka nakatira, sundin mo ang lahat ng regulations."

 

Siya ba ang tipo ng artistang kapag kumikita na ay gusto nang mag-solo?

 

"Hindi pa naman po," sagot ni Pauleen. "It's very convenient to live in the house. Wala po akong binabayaran and I get to spend time with my family after work. Lahat po dun, easy. Siyempre, your parents are there."

 

Ayon kay Joey, bago raw magpunta sa Startalk si Pauleen, nanggaling muna siya sa story conference ng Adik Sa 'Yo, kung saan nandoon din ang dati niyang boyfriend na si Marvin Agustin. Hindi kaya mamuong muli ang dati nilang pagtitinginan ngayong magsasama silang muli?

 

"Hindi naman po masasabi 'yan kaagad. But then, nakikita ko naman po si Marvs kapag nagge-guest sa Eat Bulaga!. But then, hindi pa po kami nagkakausap nang seryoso after what happened before," sabi ng young actress.





0 Comments
« Prev :

Back to top
Search

PEP.ph


Switch to Fullsite