Sat, November 01, 2014
News
Text size: A A A
Judy Ann Santos records two new albums with celebrity singers
By Nitz Miralles
09/12/07 04:24 am

 

 


Dalawang albums ang gagawin ni Judy Ann Santos para sa Star Records na naglalaman ng mga paboritong kanta ng tinaguriang young superstar. Ang title ng unang album niya ay Judy Ann: Musika ng Buhay Ko (A 20th Anthology of the Music of the Modern Day Superstar).



Napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na isa sa mga sorpresa ng album ay ang duet nina Judy Ann at Sharon Cuneta ng "Both Sides Now." Guests din sa naturang album ang ilan sa pinakamalalaking pangalan sa music industry, gaya nina Gary Valenciano, Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla, Ogie Alcasid, at Regine Velasquez.



Kinanta ni Martin ang "Kahit Isang Saglit" at si Zsa Zsa naman ang natokang umawit ng "The Way You Look Tonight." "Destiny" ang kinanta ni Gary at ang Tagalog version ng "Grow Old With You" naman ang kay Ogie.



Ang kinanta ni Regine ay ang "Ikaw Lamang," na theme song ng teleserye noon nina Judy Ann at Piolo Pascual sa ABS-CBN. Hindi na siguro ipagtataka kung bakit hindi kasali sa album si Piolo dahil alam naman ng lahat na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagkakaayos ang dating magkapareha.



Solo namang kinanta ni Judy Ann ang mga awiting "Ikaw Lang" na original at pinasikat ni Chad Borja; "Thank You;" at ang theme song ng Ysabella na original na kinanta ni Aiza Seguerra.



Ang boyfriend ni Judy Ann na si Ryan Agoncillo ang photographer ng album cover kaya siguradong espesyal ito. Ang TV host-actor din ang magiging photographer ni Judy Ann sa second album niya sa Star Records pa rin.

 

Hindi ito actually ang unang pagkakataon na magkakaroon ng album si Juday. Ang Judy Ann: Musika ng Buhay Ko na actually ang ikatlong album niya after Judy Ann Santos (1999) at Bida Ng Buhay Ko (2001). Parehong nag-platinum ang dalawang naunang albums niya.



Samantala, nakatakdang umalis sina Judy Ann at Ryan sa October 3 para sa second leg ng kanilang Love Speak US Tour. Didiretso ang dalawa sa Barcelona, Spain, para sa shooting ng Sakal, Sakali, Saklolo—ang pelikula nila sa Star Cinema na entry sa 2007 Metro Manila Film Festival.





0 Comments

Back to top
Search

PEP.ph


Switch to Fullsite