Mon, December 22, 2014
News
Text size: A A A
Jennica Garcia sets priority on career over lovelife
By Rose Garcia
06/04/09 04:45 pm

 

Halatang-halata ang pagka-tense ng young actress Jennica Garcia nang humarap siya sa entertainment press during the grand launch of GMA-7's new primetime series, Adik Sa 'Yo, sa Oasis Events Place sa Aurora Blvd., Quezon City kagabi, June 3. Hindi siya makasagot nang maayos sa mga tanong at talagang tense na tense habang katabi ang bago niyang leading man na si Dennis Trillo.

 

Kaya naman tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung bakit tensiyonada siya.

 

"Sa totoo lang, medyo kinakabahan po talaga ako. Naglalakad pa lang po ako, nakikita ko pa lang po ang mga mata ninyong nakatingin sa akin, e, nate-tense na po ako... Nate-tense din ako kay Dennis. Siyempre, sino po ba naman ang hindi mate-tense na si Dennis na ang ka-partner mo?" paliwanag ng panganay na anak ni Jean Garcia.

 

Posible ba siyang magkagusto kay Dennis?

 

"Ha?" ang tila wala sa sarili pa rin niyang sagot. "Hindi... Kasi, sino ba naman ang hindi magkakagusto sa isang Dennis Trillo na sobrang bait at isang napakagaling na aktor? Pero sa ngayon kasi talaga, trabaho talaga. Trabaho, trabaho..."

 

May posibilidad ba na sila pa rin ni Dennis ang gagawa ng TV remake ng Korean series na Coffee Prince, gaya ng unang report, at ang Adik Sa 'Yo ay parang test sa kanila kung magki-click at magugustuhan ang team-up nila?

 

 

 

"Ang Coffee Prince po, ako naman po, maski naman po dati pa, kaya hindi po ako masyadong nakaka-react, kasi hindi pa naman po sinasabi sa akin nang direkta na, 'Ikaw na...'"

 

Hindi ba siya na-disappoint na hindi natuloy ang Coffee Prince at sa halip ay ang Adik Sa 'Yo ang ginawa nila?

 

"Naku, bakit ko naman po iisiping ma-disappoint, e, sobrang saya ko na sa show na ito?" sagot ni Jennica. "Sobra-sobrang blessed na ako rito. Nagpapasalamat na ako at wala na akong iba pang hahanapin."


CAREER IS JENNICA'S PRIORITY. Ayaw namang sagutin ni Jennica kung sino para sa kanya ang mas guwapo—ang ex-boyfriend ba niya na si Mart Escudero o ang bagong kapareha na si Dennis. Basta trabaho lang daw talaga ang priority niya.

 

"E, siyempre, ang gusto kong pag-usapan natin, itong Adik Sa 'Yo," pag-iwas ng 19-year-old actress.

 

Nagulat naman si Jennica nang hingan ng reaction sa sinabi diumanong mommy niya na ang gusto nito for her ay ang Survivor Philippines winner na si JC Tiuseco. Halatang nagulat si Jennica na may ganun daw palang pahayag ang ina niya.

 

"Ha? Sinabi niyang ganun? Hindi po...wala po... Hindi ko pa po iniisip yung ganyan. Naranasan ko na pong magkaroon ng boyfriend. Sa ngayon po, okey na muna po ako. Trabaho na muna po. Basta ito lang po iniisip ko ngayon, Adik Sa 'Yo, trabaho ko, at pamilya ko," pahayag ni Jennica.





0 Comments
« Prev :

Back to top
Search

PEP.ph


Switch to Fullsite