Tue, October 21, 2014
News
Text size: A A A
Dramatic actor Dennis Trillo unleashes his comedic side in Adik Sa 'Yo
By Rose Garcia
06/04/09 05:32 pm

 

Bukod sa subok nang tambalan nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin, may panibagong team-up na aabangan sa bagong primetime series ng GMA-7—ang romantic comedy na Adik Sa 'Yo. Ito ay walang iba kundi sina Dennis Trillo at Jennica Garcia, kung saan gumaganap sila bilang isang probinsiyano at isang sosyalera.

 

Pagkatapos mapanood ang teaser ng Adik Sa 'Yo sa grand launch nito kagabi, June 3, marami ang nagsabi na may chemistry pala sina Dennis at Jennica, na unang gumanap bilang magkapatid sa fantaseryeng Gagambino, kahit malayo ang agwat ng kanilang edad: Dennis is 28 while Jennica is 19.

 

Ano ang pakiramdam na di hamak na mas bata ang kapareha niya ngayon?

 

"Wala, parang hindi ako naiilang," sagot ni Dennis. "Tingin ko, suwerto ko dahil ako pa rin yung mga pina-partner sa mga katulad ni Jennica na binibigyan ng malalaking break sa GMA. Although nandun yung konting ilang, pero hindi ko na lang iniisip yun. Iniisip ko, masuwerte ako and kailangan pagbutihin ko dahil yari din ako kung hindi mag-click yung ginawa nilang pag team-up sa amin, so positive." 

 

Hindi naman itinanggi ni Dennis ang possibility na magkagusto siya sa bagong katambal.

 

"Oo naman, bakit naman hindi? Lalaki lang naman ako, di ba?" sabi niya.

 

Ayon pa kay Dennis, hindi naman daw nakapagtataka kung ligawin si Jennica.

 

"Oo naman, siyempre, napakaganda at saka talented pa. Pero hindi namin iniisip yun. Gusto naming gawing maging maganda ang Adik Sa 'Yo kaya ito ang pinagtutuunan namin ng pansin. Ginagawa naming maganda ang mga eksena namin."

 

COFFEE PRINCE. Posible bang magtuluy-tuloy ang team-up nila ni Jennica? Bago kasi sila pinagpareha sa Adik Sa 'Yo, nauna nang napabalita na sila ang pagtatambalin sa Pinoy version ng Koreanovela na Coffee Prince. Pero hindi muna 'yon natuloy.

 

"Gusto kong isiping oo dahil gusto kong maging optimistic sa lahat ng bagay-bagay," sabi ni Dennis. "And ano, e... Hindi ko masasabi sa ngayon. Basta kailangan lang nilang mapanood. Kasi sa ngayon, wala pa silang idea kung paano kami. Kami, ginagawa lang namin ang lahat para maging effective itong team-up naming dalawa."

 

Matutuloy pa ba ang Coffee Prince?

 

"Sana matuloy," sagot ni Dennis. "Kasi kung matuloy 'yon, medyo matagal pa. And dun sa span na 'yon, medyo... Alam mo naman, hangga't hindi pa nagsisimula yung show, maraming puwedeng mangyari, e, di ba? Pero gusto ko, gusto ko 'yon. Maganda 'yon, e."

 

Pero kung siya raw ang tatanungin, hindi na raw siguro love team ang sa kanila ni Jennica kung sakali man.

 

Aniya, "Parang hindi na bagay sa akin ang mag-love team. Pero actually, kami ni Jennica, hindi naman talaga kami love team. Bagay lang talaga kami sa mga roles namin dito sa Adik Sa 'Yo. Pero hindi naman iniisip ng GMA na gawin natin silang love team. Ever since naman, wala naman talaga akong love team."

 

DENNIS AS A COMEDIAN. Hindi rin ikinakaila ni Dennis na challenge sa kanya ang gumawa ng comedy this time.

 

"Challenge, oo! Although, hindi naman siya yung bumitiw na talaga sa drama. Kasi, may konting drama pa rin. Light nga lang siya at tamang-tama sa mga taong maraming problema. Ito yung perfect na panoorin nila dahil magaan. Hindi makakadagdag sa mga problema mo, at the same time, makakalimutan mo sila dahil matatawa ka talaga sa mga situational na mga eksena namin dito."

 

Mahirap ba ang mag-comedy?

 

"Hindi naman gano'n kahirap. Kasi magagaling naman yung mga kasama ko, makukulit silang lahat. So ako, nahahawa din dun sa high energy and spirit nila every time na magte-taping kami. 'Tsaka ano, e, 'eto si Direk Joel [Lamangan], pag siya yung nagdidirek, siya na yung namamahala ng buong taping, nagiging ano ka, e... Ibibigay mo yung best mo, e. So, hindi na ako masyadong nahirapan."

 

 

 

 

 

Noong unang napabalita na gagawin nilang apat nina Jennica, Marvin, at Jolina ang Adik Sa 'Yo, nagkaroon ng intriga between Dennis and Marvin kung sino ang bida talaga sa kanila. Now that they are working together, kumusta naman sila?

 

"Ah yun, wala...wala. Hindi lang siguro nagkaintindihan and ano, e... Dito naman talaga, wala naman talaga... Hindi naman puwedeng solo mo lang 'to. Apat kami dito. Istorya namin ito. Masaya ako na napasama sa grupo nila, na isinama nila ako dito dahil, siyempre, Marvin and Jolina naman 'yan. Ang daming tagahanga hanggang ngayon. Ang daming kinikilig pa rin. So, imbes na iisipin mo ang negative, kumbaga, makakatulong talaga ito sa amin."


ABORTED PROJECT WITH HEART. Naitanong din ng PEP kay Dennis ang tungkol sa hindi pagkakatuloy ng afternoon soap sana nila ni Heart Evangelista, Muling Buksan ang Puso. Sumama ba ang loob niya dahil sa hindi pagtuloy ng project nila?

 

"Wala naman, wala naman akong sama ng loob dahil hindi man kami ang magkatuluyan sa isang project, nandito lang naman siya [Heart] sa GMA, e. And siguro, posible rin kaming magkatrabaho ulit, e. So, inisip ko na lang, hindi puwede yung timing ngayon, e. Sa susunod siguro," sabi ni Dennis.

 

Pero nagkausap ba sila ni Heart after that?

 

"Oo," sagot niya. "Hindi namin napag-usapan yung detalye, napag-usapan lang namin na hindi na matutuloy."

 

CRISTINE & CARLENE. Tinanong din kay Dennis ang dalawang babaeng nagkaroon ng kaugnayan sa buhay niya in the past—sina Cristine Reyes at Carlene Aguilar.

 

Pinag-uusapan ngayon ang posibilidad ng pagbabalik-Kapuso ni Cristine. If ever, welcome ba kay Dennis ang idea na yun?

 

"Wala akong balita. Kung anuman, bahala siya. Sarili niyang diskarte yun," maikling pahayag niya.

 

Happy ba siya kung lilipat ngang muli si Cristine?

 

"Actually, ngayon ko lang din nabalitaan. Wala naman akong dahilan para maging happy or malungkot. So, okey lang. Wala namang nagbago. Kasi kung lilipat naman siya, hindi naman siya lilipat para sa akin, di ba? Nandito siya dahil siguro may mga commitments."

 

Kung sakali at pagsamahin sila sa isang project ng GMA-7, okey lang ba ito sa kanya? Excited ba siyang makasama si Cristine sa isang project?

 

"Okey lang... Hindi ko alam, siguro," tila hindi pa masigurong sagot ng aktor.

 

Dagdag niya, "Hindi ko naman alam kung may pagsasamahan kaming isang show, e. So, hindi ko alam. Hindi na ako ganun ka-excited."

 

When it comes to Carlene, maganda na raw ang relationship niya sa ina ng anak niya at may communication na sila talaga.

 

"Siyempre naman, kailangan naming mag-usap. Meron kaming mga dapat pag-usapan dahil sa anak naming si Calix," banggit ni Dennis.

 

Ayaw namang mag-comment ni Dennis tungkol sa isyu na maging ang pangalan ni Carlene ay nababanggit sa sex videos ni Hayden Kho.

 

"Wala akong alam dun. May naririnig ako, pero hindi ko alam kung totoo 'yun."

 

ZERO LOVELIFE. Kumusta naman ang lovelife ni Dennis?

 

"Wala talaga, e. Zero talaga. Marami akong mga kaibigan ngayon. Sila ang mga kasama ko... Wala pa namang one year na wala, pero matagal-tagal na rin."

 

Paano siya nakakatagal na walang lovelife? Sino ang inspiration niya ngayon?

 

"Nandiyan naman ang anak ko, ang pamilya ko. May trabaho ako, so medyo nakakalimutan ko na rin ang lovelife ko."

 

Although lumalabas si Dennis, panay group dates lang daw ito.

 

"Ayoko munang mag-commit sa isa. Kasi, mas masaya yung mas marami akong nakikilala," sambit niya.

 

Hindi kaya nagka-trauma na siya sa pagiging controversial ng past two relationships niya?

 

"Hindi naman," aniya. "Gusto ko naman this time, kapag magkakaroon ako ng girlfriend, yung talagang wala na akong magiging problema."

 

Sa June 8 magsisimulang mapanood sa Telebabad Block ng Kapuso network ang Adik Sa 'Yo. Kasama rin dito sina Elizabeth Oropesa, Joey Marquez, Chanda Romero, Eugene Domingo, John "Sweet" Lapus, Pauleen Luna, Iwa Moto, Ces Quesada, Luz Valdez, German Moreno, Benjie Paras, Vaness del Moral, Charisse Solomon, Sandy Talag, Mosang, Jim Pebanco, at Tony Mabesa.


With additional report by Erwin Santiago





0 Comments
« Prev :

Back to top
Search

PEP.ph


Switch to Fullsite