Thu, November 27, 2014
News
Text size: A A A
Eunice "Charming" Lagunsad thanks network for helping her get back on her feet after Ondoy flood
By Ruel J. Mendoza
05/22/10 07:18 pm

 

Dalagita na at nawawala na ang baby fat ni Eunice Lagunsad, na mas kilala bilang si Charming sa TV series noon na Bakekang.

 

Ang dating chubby child actress ay unang lumabas bilang anak ni Ogie Alcasid sa defunct QTV 11 sitcom na Ay, Robot! hanggang sa na-cast siya bilang si Charming sa Bakekang. Nasundan iyon ng pagbibida niya sa afternoon drama series na Princess Charming with Kristal Reyes.

 

Kasama siya sa cast ng Boys Nxt Door bago siya i-pull out ng kanyang dating manager na si Becky Aguila para dalhin sa ABS-CBN.

 

Ngayon ay 12 years old na si Eunice at kasama siya sa bagong GMA-7 Sine Novela na Basahang Ginto kunsaan bida sina Carla Abellana at Geoff Eigenmann. Gumaganap siya bilang isa sa mga kapatid na aeta ni Carla.

 

 

 

"Masaya po ako at nabigyan po ulit ako ng pagkakataon ng GMA-7 na makasama sa isang TV series. Na-miss ko po ang umarte at pangako ko sa kanila na gagalingan ko po ang acting ko para matuwa po sila sa akin," nakangiting sabi ni Eunice nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Basahang Ginto noong Miyerkules, May 19.

 

GRATEFUL TO GMA-7. Kabilang si Eunice sa naging biktima ng bagyong Ondoy last year. Binaha ang kanilang bahay sa Bulacan at nasira ang maraming gamit nila na naipundar niya sa paglabas sa TV at pelikula. Iyak nga nang iyak si Eunice sa TV dahil dalawa lang silang mag-ina ang magkasama sa buhay. Hindi nahiyang humingi ng tulong si Charming sa GMA-7 noon.

 

Dahil ang GMA-7 naman ang nagpasikat noon kay Eunice, nabigyan siya ng trabaho sa paglabas sa afternoon drama series na Kaya Kong Abutin ang Langit. Mahaba ang naging role doon ni Eunice kaya nakaipon ito para mapagawa ang kanilang bahay at makabili ng mga bagong gamit.

 

"Maayos na po ang bahay namin at nakabili na kami ng mga gamit. Yung iba po, bigay po sa amin ng mga kaibigan. Kaya unti-unti po ay naging maayos ang buhay namin.

 

"Kaya maraming salamat sa GMA-7 kasi tinulungan po nila kami ng mommy ko. Kung hindi sa trabaho na binigay nila, baka hindi pa kami nakaahon ni Mommy sa naging problema namin," pagtatapos ni Eunice Lagunsad.

 

 





0 Comments
« Prev :

Back to top
Search

PEP.ph


Switch to Fullsite