Sun, December 21, 2014
News
Text size: A A A
Carla Abellana denies that she will play Andi in Pinoy remake of Coffee Prince
By Rose Garcia
08/20/10 06:45 pm

 

Parehong introducing sa pelikulang Mamarazzi ang Kapuso star na si Carla Abellana at ang Kapamilya star na si Andi Eigenmann. Pero naiintriga si Carla na tila mas angat o mas iba ang buildup kay Andi kumpara sa kanya.

 

Maayos naman itong sinagot ni Carla sa grand presscon ng Mamarazzi kagabi, August 19, sa Imperial Palace Suites.

 

"Definitely, sa movie, mas angat naman siya. Mas lead naman ang character niya compared to mine and it's not an issue for me," sabi niya. "Ako, kahit kapatid lang ako ng kung sino man diyan or ano, walang problema sa akin at hindi importante sa akin kung lead ako or hindi. Mas importante pa yung para sa manager ko, pero sa akin, hindi isyu yun. So, okey lang."

 

Wala namang nararamdamang tampo si Carla kung naudlot na nang naudlot ang supposedly launching movie niya.

 

"Hindi ko alam. Depende...siguro fate 'yan. Depende sa takbo ng buhay. Depende sa takbo ng career ko, sa blessing na ibinibigay ni God. So, depende naman 'yan. Kasi, wala namang nagkakapareho ng career na exactly the same way. Siyempre, kanya-kanya naman 'yan."

 

NO PROMISES. In fairness naman daw sa Regal Films, kung saan siya may exclusive contract, wala naman daw itong ipinangako sa kanya na kahit na ano.

 

"Basta ang ano lang po nila, mag-e-enjoy ako. That we will have a good and healthy relationship for many, many years. Wala naman po silang nai-promise na ganito-ganyan.

 

"Sa akin po talaga, personally, hindi talaga nagma-matter yun. A movie is already proof that you're somebody. So, yun, ma-include ka lang sa isang pelikula, hindi na nagma-matter kung lead ka or hindi. At saka yung fact na naging parte ka ng pelikula, malaking bagay na yun," sabi niya.

 

 

 

Naniniwala si Carla na hindi kailangang magpakita ng katawan o magpaka-daring/sexy ng katulad niyang artista para lang mapansin at sumikat nang husto.

 

Game din si Carla sa action roles, na mala-Angelina Jolie ang dating.

 

"Puwede dahil marami na akong nasubukang stunts sa mga shows ko. Sana, di ba? Sana magkaroon ng opportunity, hindi lang for me but for others as well who will be willing to try out, di ba? Such roles na eventually maging action leading lady sila or action woman sila, why not? Gusto kong subukan yun. Kahit sa soap namin, yung mga stunts, ako ang gumagawa noon."

 

COFFEE PRINCE. Itinanggi naman ni Carla ang balitang siya ang gaganap bilang Andi sa Pinoy remake ng hit Korean series na Coffee Prince sa GMA-7. Naka-ready na raw ang next project niya at si Dennis Trillo ang makakapareha niya.

 

"Wala, hindi Coffee Prince. Hindi Coffee Prince," paglilinaw ni Carla. "Ang dami ngang nagsasabi sa akin na member of the press na Coffee Prince, pero hindi, iba. According to my manager [Arnold Vegafria], it's not Coffee Prince. Wala pang title.

 

"He just told me now, pagkababang-pagkababa ko, he told me na, 'Ikorek mo silang lahat, hindi Coffee Prince.' Sabi niya, ako nga raw at saka si Dennis. Hindi rin niya sinabi sa akin kung Koreanovela. Basta sabi lang niya, romantic comedy at magkasama kami ni Dennis."

 

Masaya naman si Carla para sa ka-love team niyang si Geoff Eigenmann na mas nauna pa sa kanyang magsisimula ng panibagong project pagkatapos ng afternoon soap nilang Basahang Ginto. Ito ay ang fantaserye na Grazilda, kung saan si Glaiza de Castro ang kapareha ng young actor.

 

"Tama!" nakangiting sabi ni Carla. "Ako talaga, very happy ako for them. Maganda 'yan! Ako, mahal ko si Glaiza. Napakabait na bata niyan. She's deserving na ngayon, hayan, bida na talaga siya. Geoff and I have our full support for her at nasa kanya lahat ng blessing ko."





0 Comments
« Prev :

Back to top
Search

PEP.ph


Switch to Fullsite