news

Movie of Senator Lapid and his sons banned in Makati?

by Jojo Gabinete posted on December 6, 2006  STATS: 1005 Views | 0 Comments
Senator Lapid stars with his sons Mark and Maynard in the 2006 MMFF official entry Tatlong Baraha Photo By: Noel Orsal

Mga bida sa Tatlong Baraha ng Violett Films Productions at MTL Films ang mag-aamang Lito, Mark, at Maynard Lapid.



Ang Tatlong Baraha ang isa sa siyam na pelikulang official entry sa 2006 Metro Manila Film Festival na magsisimula sa Araw ng Pasko, December 25.



Umaasa ang senador at ang kanyang mga anak na maipalalabas sa mga sinehan sa Makati City ang kanilang pelikula.



Sa presscon ng Tatlong Baraha na ginanap kagabi, December 5, sa Annabel's restaurant sa Quezon City, nanawagan si Senator Lapid na kalimutan muna sana ni Makati City Mayor Jojo Binay ang pulitika at payagan nitong maipalabas sa naturang siyudad ang kanilang pelikula.



Dalawang pelikula kasi ng anak niyang si Pampanga Governor Mark Lapid ang hindi ipinalabas noon sa mga sinehan sa Makati City—Batas Militar at Apoy sa Dibdib ng Samar.



Reportedly, banned ang mga pelikula ng mga Lapid sa Makati City mula nang kumpirmahin ni Senator Lapid na siya ang itatapat kay Mayor Binay ng Arroyo administration sa susunod na eleksiyon.



Noong hindi maipalabas sa Makati City movie houses ang Batas Militar, agad na nagbigay ng pahayag si Mayor Binay.



Ayon kay Mayor Binay, wala siyang kinalaman sa hindi pagpapalabas sa mga sinehan sa Makati ng pelikula ng anak ng kanyang would-be political opponent. Masyado raw siyang busy sa trabaho niya para pakialaman ang nabanggit na isyu. Desisyon daw ‘yon ng mga theater owners.



Ngayon ay inungkat na naman ng pamilya Lapid ang akusasyon. Sinabi pa Violett Films producer na si Mrs. Violet Sevilla na naniniwala siyang papayagan ni Mayor Binay na maipalabas sa mga sinehan sa Makati City ang Tatlong Baraha. Ang ibig sabihin ay kinukumpirma niya ang bali-balitang nanggaling din sa kanyang kampo.

May mga nagtatanong tuloy kung gimik lang ng Tatlong Baraha ang ikinakalat na ban ng pelikula. Kung iisipin nga naman kasi, mas mapag-uusapan ang pelikula---na sa ngayon ay hindi mainit---kapag ito ay pigilang ipalabas.

Liban dito, ano naman ang papel ng isang mayor---o anupamang opisyal---sa pag-censor ng isang pelikula? Malamang, bilang abugado, naisip na ito ni Mayor Binay, at kung gusto man nitong pahirapan ang kalaban sa pulitika, malamang ay naisip na rin niyang magba-backfire ang ganitong move.

Kung ganoon, bakit kaya may ganitong ingay?

1  

more on this story

Show/Hide Comments

0 Comment

  • No comments yet.

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About