news

Bing Loyzaga: "Kid brother ko si Oyo"

by Nora Calderon posted on January 3, 2007  STATS: 1899 Views | 0 Comments
"They are barking up the wrong tree," says Bing Loyzaga, dismissing rumors that she has something to do with the Angel Locsin-Oyo Sotto break-up Photo By: Noel Orsal


Bago natapos ang Year 2006 ay nagulat ang marami sa balitang naghiwalay na si Angel Locsin at ang boyfriend nitong si Oyo Sotto.

Nag-break sina Angel at Oyo noong December 26, ang mismong araw ng nakatakda nilang pagpunta sa Bantayan Island, Cebu, para roon sana mag-celebrate ng post-Christmas vacation nila. Hindi natuloy ang dalawa.

Kahit hindi pa nagsasalita sina Angel at Oyo kung ano ang totoong dahilan ng kanilang paghihiwalay, may mga pangalan nang nadadawit. Isa na nga rito ang aktres na si Bing Loyzaga na pilit inili-link kay Oyo.

Kahapon, January 2, ay nagkaroon ng victory party ang Enteng Kabisote 3: Okay Ka Fairy Ko, The Legend Goes On and On and On sa Virgin Cafe, T. Morato, Quezon City, dahil sa tagumpay nito sa isinasagawang 2006 Metro Manila Film Festival (MMFF). Nangunguna pa rin sa takilya ang pelikulang pinagbibidahan ni Vic Sotto at nagwagi rin ito ng best picture sa MMFF Awards Night.

Dito nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Bing, na kasama sa cast ng Enteng Kabisote 3, upang hingan ng pahayag tungkol sa pagkakadawit ng kanyang pangalan sa hiwalayang Angel at Oyo.

"They are barking up the wrong tree," panimula ni Bing. "Pero pareho ko silang [Angel at Oyo] nakausap after the break-up at okay naman sila. Pareho ko silang kaibigan kaya nalungkot ako nang malaman ko na totoo na palang nag-break sila."

Dagdag pa niya, "Kid brother ko si Oyo. Matagal na kaming magkabarkada dahil ilang afternoon dramas na ng TAPE, Inc. na magkasama kami. At 36 [years old], Tita na ako ni Oyo, who's only 22. Kaya para pag-isipan ako na girlfriend niya...

"Totoong barkada kami—si Oyo, si Aiza Seguerra, si Mylene Dizon. Kung may free time kami, lumalabas kami. Si Oyo, tumatambay siya sa bahay kung minsan, pero walang ibig sabihin iyon."

Tikom naman ang bibig ni Bing sa tanong namin sa kung totoong pumasok din sa picture ng break-up nina Angel at Oyo sina Kristine Hermosa (na minsan din palang niligawan ni Oyo noon) at Alessandra de Rossi. May issue rin na mahaba ang pag-aaway nina Angel at Oyo at nagkasakitan sila pareho—hindi physically, kundi sa mga salitang binitiwan nila sa isa't isa.

Ang sabi na lang ni Bing, "Basta ako, ang wish ko kina Angel at Oyo, magkabalikan silang dalawa dahil alam ko kung gaano nila kamahal ang isa't isa. Siguro nga dahil sa pareho silang busy, nawalan na sila ng communication."

Patuloy ni Bing, "Bigyan natin sila ng time na mag-isip-isip at mag-usap nang masinsinan para maging maayos ang lahat, since sinabi naman nilang na-save nila ang friendship nila. Basta, narito lang ako—a text away."

Sinabi namin kay Bing ang aming obserbasyon na halatang-halata sa kanyang mukha ang kasiyahan ngayon. May kinalaman kaya ito sa pag-aayos nila ng kanyang estranged husband na si Janno Gibbs?

"Yes," pag-amin niya. "Kasi nga nabuo ang pamilya ko noong Christmas holidays. Sama-sama kami noong New Year. Nandun ang mga in-laws ko, ang mga sisters ko na narito sa Pilipinas. Pero ang pinakamahalaga sa akin, nakita ko kung gaano kasaya ang mga anak ko—sina Alyssa at Gabrielle—na makitang magkasundo na kami ng ama nila."

Ano naman ang mga regalo nila ni Janno sa isa't isa?

"Binigyan ko siya ng PSP [portable play station] at binigyan niya ako ng I-pod," nakangiting sagot ni Bing.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

0 Comment

  • No comments yet.

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About