PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gary Estrada to run again for mayor

Gary asks support of his uncle, former President Joseph Estrada
by Maricris Valdez-Nicasio
Published Jan 4, 2007
Gary Estrada will run again for mayor of San Antonio, Quezon.


Susubukan muli ng aktor na si Gary Estrada ang kanyang kapalaran sa politika sa darating na May 2007 elections. Sa ikalawang pagkakataon, muli siyang tatakbong mayor ng San Antonio, lalawigan ng Quezon.

Ito ang ipinahayag ni Gary noong Biyernes, December 29, nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa Teacher's Village, Quezon City, sa taping ng Magpakailanman sa episode na pagbibidahan nila ni Snooky Serna at ipalalabas mamayang gabi sa GMA-7.

Ayon kay Gary, hiningi na niya ang tulong ng kanyang uncle at dating Pangulong Joseph "Erap" Estrada sa kanyang plano sa politika. Ang ama ni Gary ay ang namayapang aktor na si Goerge Estregan, kapatid ni Erap.

"Two weeks ago, nagpunta ako kay Uncle at sabi nga niya, ang hirap daw sa akin, ngayon lang ako humingi ng tulong sa kanya," kuwento ni Gary habang naka-break sa taping.

"Ang sabi ko naman sa kanya, ayaw ko naman kasi siyang abalahin pa o makadagdag-burden pa sa kanya dahil nakakulong na nga siya. Ako kasi hanggang kaya ko pa, talagang kakayanin ko kahit na mag-isa lang."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang matalo si Gary noong 2004 nang malamangan siya ng kanyang kalaban ng 300 na boto sa 24,000 registered voters ng San Antonio, kinalimutan na niya ang politika. Naisip niyang maganda naman ang kanyang buhay at ang kita ng isang mayor sa isang buwan ay kalahating araw niya lamang tatrabahuhin bilang isang artista.

Subalit sabi niya'y nakita niyang kailangan talaga ng pagbabago sa kanilang bayan. Kaya't nagbago ang kanyang desisyon at naisipang pumalaot muli sa mundo ng politika.

Bagamat hindi taal na taga-San Antonio si Gary, tumira siya rito noong nakabili ng 3.7-hectare farm sa nasabing lugar. Na-in love daw siya rito kaya't nagpasyang doon na manirahan nang permanente.

Sa kabilang banda, masaya si Gary sa kanyang buhay-may asawa. Hindi man perfect ang kanilang marriage ni Bernadette Allyson, hindi naman daw sila dumarating sa puntong maghihiwalay.

Sa ngayo'y dalawang babae na ang kanilang supling dahil nagsilang muli si Bernadette last November 2006 at pinangalanan nila itong Garianne. Ang panganay nila ay si Garielle, four years old.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May anak din si Gary sa dating aktres na si Cheska Diaz na nagngangalang Kiko, 14 years old.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gary Estrada will run again for mayor of San Antonio, Quezon.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results