PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Marky Cielo still prefers Jackie Rice as screen partner

Marky says he still has no time for love
by Rose Garcia
Published Jan 8, 2007
"Nanghihinayang po ako para sa kanya," says Marky Cielo about former loveteam partner Jackie Rice


Ayon sa StarStruck 4 Ultimate Sole Survivor na si Marky Cielo, wala pa rin daw siyang lovelife at puro trabaho talaga ang inaatupag niya ngayon.

Nakapanayam ng (PEP) Philippine Entertainment Portal si Marky sa press launch ng pinakabagong primetime series ng GMA-7, ang Asian Treasures, kagabi sa Metro Bar, West Ave., Quezon City.



From his original loveteam partner sa StarStruck na si Jackie Rice, naitambal na rin si Marky kay Lovi Poe sa Bakekang. Ngayon, mukhang sila naman ni Glaiza de Castro ang ginu-groom ng GMA-7 bilang loveteam—from Fantastikids to Asian Treasures, bilang Hector at Clara.



Tinanong ng PEP si Marky kung ano ang masasabi niya na kung hindi naging pasaway si Jackie, maaaring silang dalawa pa rin sana ang magka-loveteam hanggang ngayon.



Aniya, "Opo...nanghihinayang po ako para sa kanya. Unang-una po, napakarami na po naming pinagdaanan bago kami makaabot sa ganito. So sayang naman po, di ba? Hindi ko naman po siya nakakausap or napagsasabihan kasi kapag nagkikita kami, madalas, tapos na yung isyu na sinasabing naging pasaway siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓



Pero sa nakikita ba niya kay Jackie ay naaapektuhan din ang dalaga?



"Naapektuhan po siya. Sinabi niya rin po na sayang nga daw po... kung hindi siguro siya naging pasaway... So, sa tingin ko po, since nasabi niya yun, she's open for advice na rin po. Kaya sabi ko rin po sa kanya, huwag naming sayangin yung chance na ibinigay sa amin."



Aminado si Marky na sa tatlong babaeng nakapareha niya, kay Jackie pa rin daw siya mas kumportable dahil sa matagal na rin nilang pinagsamahan. Ang dalawa pa ay sina Lovi at Glaiza.



"Si Glaiza po kasi, medyo may ilangan pa rin po lalo na noong umpisa sa Fantastikids. Pero ngayon naman po, medyo mas kumportable na po kami," sabi ng binata na tubong-Mountain Province.

Nasa puntong nagte-text na rin ba sila sa isa't isa?



"Hindi pa po, e...Siguro po kasi pareho rin kaming busy," sagot ng young actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon pa kay Marky, in his less than one year in showbiz, nagkaroon na raw siya ng investments, tulad ng kanyang brand new Innova car. Yung house-and-lot sa Antipolo na napanalunan niya sa StarStruck ay nakuha na rin daw niya. Nagsisimula na rin daw siyang kumita sa ink business, na bahagi pa rin ng kanyang premyo sa artista search ng GMA-7.

Bilang panghuli, nagbigay siya ng advice sa kanyang mga kasamahan sa StarStruck: "Sana mahalin din ng lahat sa amin sa StarStruck yung mga trabahong ipinagkakatiwala sa amin."


Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Nanghihinayang po ako para sa kanya," says Marky Cielo about former loveteam partner Jackie Rice
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results