Bukas, January 13, ay magsisimula na ang taping ng bagong show ni Ruffa Gutierrez-Bektas na Philippine's Next Top Model (PNTM) on Channel 9. Pero bago mag-premiere sa television ang reality-based model search ay magkakaroon muna ito ng press conference next week.
Ito ang pahayag ni Ruffa sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) last January 9, Tuesday, after a guesting stint sa show ni Boy Abunda na Homeboy.
"I'm gonna start taping na on Saturday and we will have a big cocktail. [The show] will start airing in February or March and it's for one season. Pero kung maganda [ang ratings], puwedeng mag-season two," balita ni Ruffa, who was with her daughter Lorin.
Kinumpirma rin ng dating Miss World Second Princess ang plano niyang magbuntis ulit ngayon 2007.
"Oo, magbubuntis ako this year. Siguro by next year, manganganak ako. And hopefully, we'll see, we are praying for a boy in the future," asam pa niya.
Pero paano siya maghu-host ng Philippine's Next Top Model kung buntis siya?
"Why si Heidi Klum? Manood kayo ng Project Runway," sagot ni Ruffa. Si Heidi Klum ay ang sikat na supermodel na host ng Project Runway, a reality-based show na mga aspiring fashion designers naman ang contestants. Heidi was pregnant in one of the seasons of the show.
"Siyempre naman, I'll be a fabulous fashionable mom, not a Lola Basyang!" nakatutuwang habol pa ni Ruffa.
MELANIE MARQUEZ. Kinunan din ng PEP ng pahayag si Ruffa tungkol sa pagba-backout ng dating Miss International na si Melanie Marquez bilang isa sana sa judges ng PNTM. Ang ibinigay na dahilan ni Melanie sa kanyang pagba-backout ay dahil gusto rin niyang mabuntis this year.
Ani Ruffa, "You know, I really, really wanted Melanie kasi alam mo naman she's the one that trained me for the Look of the Year [a supermodel contest]. Tinuruan niya akong maglakad, mag-makeup..."
Dagdag pa niya, "But you know, I believe that at this point in her life, family comes first, and I respect her decision. Melanie will always be Melanie and everybody will always look up to her. So, hopefully one day, makakapag-guest pa rin siya sa show."
DESPERADAS. Tinanong din namin si Ruffa kung ano na ang nangyari sa Desperadas—ang pelikulang pagsasamahan sana nila nina Gretchen Barretto, Dawn Zulueta at Pops Fernandez for Regal Entertainment.
"Naku, tsugi na 'yon, ‘no! Wala," natatawa niyang sagot.
Pareho na kasing nagpahayag sina Gretchen at Dawn na hindi na nila gagawin ang pelikula. Ito ay bunsod ng alitan ng dalawang aktres pagkatapos ng kanilang commercial shoot para sa Pantene at pictorial para sa Preview magazine last year.
Hindi ba masama ang loob ni Ruffa dahil di na matutuloy ang movie?
"Hindi naman because alam ko naman na kahit hindi siya natuloy, mas maraming naging kapalit na mga projects. Surprise! Malalaman na lang ninyo next month, marami," pambibitin pa niya.
YILMAZ'S FIRST CHRISTMAS. Nagbigay rin ng karagdagang detalye si Ruffa tungkol sa first Christmas ng asawa niyang si Yilmaz Bektas dito sa Pilipinas.
"Nag-enjoy siya and he's here for two weeks. It was his first Christmas sa boung buhay niya. Married kami since 2003, pero mag-girlfriend-boyfriend kami since 2000. In his whole life, first time niyang mag-Pasko," panimulang kuwento ng dating beauty queen.
"Na-enjoy niya talaga kasi sabi niya, ‘I really wanna celebrate Christmas with your family.' And he promised, here in the Philippines. Sabi ko nga, ‘You should go to the Philippines after Christmas because that will be the start of my work.' Alam mo naman ako, killing two birds with one stone. Para pagbalik niya, may work na rin ako at 'di niya mapapansin na I'm away for so long, di ba?
"‘No, no, no! We should go there before Christmas,' sabi ni Yilmaz. "Kasi 'yon daw pinramis niya kay Daddy [Eddie Gutierrez] at saka kay Mommy [Annabelle Rama]. So we went at sabi niya, ibang klase talaga. Na-shock siya especially with our celebration sa bahay. Kasi Christmas Eve, we have noche buena. We have a staff party para sa mga kasamahan namin sa bahay, para sa pamilya nila. Pagkatapos, nagpa-cater si Mommy at nagpa-raffle pa.
"Natuwa siya! Pagpasok pa lang niya, nagulat siya. Siguro di niya ini-expect na ang dami talagang tao sa White Plains. So, in-explain ko sa kanya what was going on. Isa-isa niyang nilapitan ang mga tao na para siyang politician. Siyempre, na touch-touch naman ako dahil ang asawa ko, may heart pala para sa mga poor.
"Ang asawa ko pala, kahit saan puwede, parang ako. Parang ako ganyan din ako e. Puwedeng makipag-sosyalan sa mga king at mga queen, pero puwede ring makihalubilo sa... Hindi naman with the poor, medyo less fortunate naman. Poor is in the state of mind, di ba?" natatawa pa niyang sabi.
Ikinuwento rin ni Ruffa na tuwang-tuwa raw si Yilmaz dahil sa maraming regalong natanggap nito kaya nag-promise ito na tuwing Pasko ay dito na siya magse-celebrate.
Ayon pa sa actress-TV host ay wala na itong maisip na ibigay kay Yilmaz dahil "he has everything." Noon daw ay parating mamahalin ang mga regalo nito sa asawa, pero di ito pinapansin ni Yilmaz.
"We gave him a Playstation 3. Pero ang sabi niya, ‘I don't care about Playstation 3... It's the first time that I was able to feel how it is to be in a complete family.' He wrote my dad a letter saying, 'Dad, I only understood that you were special when I tried to be like you, but I couldn't do it. You know, I salute you for raising your kids, each one of them must be special in their own way.' Kasi nagkasama kami sa Baguio, nakipag-bonding siya with my brothers. Nag-bowling-bowling sila and everything. Sabi niya, ‘Your family is so sweet.' Yung ganun."
CHRISTMAS IN TURKEY. Nagkuwento rin ang nanay nina Lorin at Venice tungkol sa Pasko sa Turkey.
"Sa Turkey naman, what we do is we open gifts on New Year's eve. Wala, hindi siya Christmas Eve. Sa Christmas, wala kaming ginagawa. Wala lang, kasi Muslims ang mga in-laws ko at walang Christmas doon," sabi ni Ruffa.
"Sasabihin ko na lang na, ‘Merry Christmas!' Magtatanong naman sila ng ‘What is Christmas?' Sabi ko, it's Jesus's birthday, and for them, Jesus is also important. But then, ang ginagawa namin ay nagpa-party talaga kami on New Year's Eve, doon kami nagbibigay ng mga regalo," dagdag pa ni Ruffa.