Hindi apektado si Ara Mina sa balitang may namamagitan sa pagitan ng boyfriend niyang si Polo Ravales at sa young actress na si Jennylyn Mercado. In fact, tinawanan lang ni Ara ang nasabing balita dahil alam niyang very much in love ngayon si Jennylyn kay Patrick Garcia.
"Wala, hindi ako nati-threaten kay Jennylyn dahil alam kong may boyfriend siya. Wala naman akong instinct na mayroong iba si Polo. Kung mayroon man e, magtago na siya!" natatawang pahayag ni Ara sa taping ng Homeboy last Sunday, January 14.
Nilinaw rin ni Ara ang lumabas na balita na nag-isnaban sila ni Jennylyn sa taping ng isang show.
"Parang busy siyang kumakain kaya hindi niya ako napansin. Nakatalikod kasi siya e. Binati naman niya ako nang magkasalubong kami sa hallway. Walang choice e, nagkita kami, di ba?" kuwento ng sexy actress-singer.
"Hindi naman kami nagplastikan kasi, ang totoo, hindi naman kami close. So wala, civil lang kami sa isa't isa. Alangan namang i-confront ko siya kung may relasyon sila ni Polo. Ang pangit, di ba? Unless nahuli ko, as in talagang may proof ako," paliwanag pa niya.
"Kung mayroon mang nagkakagusto kay Polo, sabihin lang!" biro niya, sabay sabing hindi naman daw maiiwasan na may ibang magkagusto sa kanyang boyfriend.
"Dapat maging proud ako," bawi niya.
Idiniin ni Ara na ang pinakamabigat na dahilan siguro kung sakaling maghiwalay sila ni Polo ay ang kawalan nila ng oras sa isa't isa. Habang gumaganda ang career ni Polo dito sa Pilipinas dahil sa sunud-sunod na projects, si Ara naman ay panay ang shows abroad. Idagdag pa rito ang kauna-unahang major concert ni Ara—ang Loving Ara na gaganapin sa February 3 sa Araneta Coliseum.
"'Yong time talaga namin sa isa't isa. Kasi ayoko ring maging hindrance sa gumagandang career ni Piolo. Gusto kong maging okay ang future niya. Gusto kong makaipon siya and vice versa. Tipong kapag naniniwala ka na kayo, kayo e," paliwanag ni Ara.
Ayon pa sa sexy actress-singer, nakakapag-usap naman sila palagi ni Polo. Nilinaw rin ni Ara na iba ang relasyon nila ni Polo sa naging relasyon ng dalaga noon kay Jomari Yllana.
"Hindi ito tulad ng relation namin ni Jom before. Siguro dahil mas ingat na ako, at the same time, mas bata si Polo sa akin. Ngayon kasi, parang may intindihan kami na ang priority namin ay work. Pero we still keep in touch, nag-uusap, nagkikita," sabi ni Ara.
Bilang karagdagan, nasabi ni Ara na ang tanging factor kung bakit hanggang ngayon ay intact pa rin ang kanilang relasyon ni Polo ay dahil honest sila sa isa't isa.
"Dapat maging honest at open kami sa isa't isa. Dapat hindi nawawala ang communication. Kasi madalas akong wala dito [sa Pilipinas]. Mga kalahating buwan wala ako dito, so parang nale-lessen ang bonding namin," pahayag ni Ara.
"Hindi naman naghahanap ng time si Polo dahil naiintindihan niya ang trabaho ko. Minsan pagbalik ko dito, ako 'yong free, siya naman busy. Sobrang hindi nagsa-swak yung oras namin minsan," dagdag niya.
Samantala, hindi pa decided hanggang ngayon si Ara kung papasok nga siya sa pulitika. Aniya, magdedesisyon siya pagkatapos ng kanyang major concert sa Araneta Coliseum.
"Marami ang gustong magpatakbo sa akin. Pero gusto ko, 100 percent convinced ako na tatakbo ako. For me naman, basta nakakatulong ako, happy na ako. Malalaman ko na lang 'yon, basta magising ako isang araw na ito na, this is it, kailangan ko nang tumakbo. Parang ganun," medyo naguguluhang wika ng anak ng politician na si Chuck Mathay.