Bilang preparasyon sa darating na buwan ng mga puso, kinausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang isang kilalang ladies' man na si Joey Marquez upang ibahagi ang kanyang mga nalalaman tungkol sa pag-akit ng mga kababaihan.
Palaisipan siguro sa marami kung paano nga ba nahuhuli ni Tsong (Joey's moniker) ang "kiliti" ng kababaihan. Marami na ang nakarelasyon at na-link kay Tsong before and after mapawalang-bisa ang kasal nila ng aktres na si Alma Moreno. Ilan sa mga kilalang artista na naiugnay kay Joey ay sina Kris Aquino, Jean Garcia, Jackie Forster, Alicia Mayer, Melissa de Leon, ang dating aktres na si Brenda del Rio, to name a few.
STRATEGIES. Base sa isang panayam kay Joey sa penthouse ng Imperial Palace Suites sa Quezon City noong January 10, simple lang ang paraan upang mapahulog ang loob ng isang babae. Sinabi niya sa PEP ang ilan sa mga strategies na iyon:
Strategy #1. "In this generation, women or girls look for someone who can take away their boredom. They want to be with somebody whom they can learn from in life and someone they can talk sense with."
Strategy #2. "My own perception lang, my own style to get someone's heart— you have to make them feel important. If she's a girl, treat her as a princess; if she's a lady, treat her like a queen. If she's a woman, treat her as a woman."
Strategy #3. "You have to modify. You got to bring something that is new to them. Give them something new in life. Kung masyadong sosyal, let them feel kung ano yung nasa baba. They will always look for something new, di yung the same routinary thing. Of course, they do that every time e. Something new na they haven't tried yet."
DATING TIPS. Pagdating naman sa pakikipag-date, narito ang tips ni Tsong:
"Alam mo, ayaw rin ng babae na masyado kang gentleman e. They will have more curiosity pag medyo hindi ka interesado. On your first day, don't ask for her cellphone number. She'd be curious why. Then she'll find time, find ways to know your number. That's an indication."
Dagdag pa niya, "Let them feel comfortable by making them laugh. Laughter is the best solution to anything e. If you have problems, laughter can put you somewhere [else]. If you have sorrows, laughter can ease the pain. If you have traumas, laughter can make you forget it."
Nang tanungin ng PEP kung sino dapat ang nagbabayad sa mga lakad, pinatunayan ni Joey ang pagiging galante niya. "A man will always have to be a good provider. Kailangan yun, part of being a man yun e," paliwanag niya.
Naranasan na ba ng isang Joey Marquez ang ma-basted?
"Siguro ina-anticipate ko na kaagad yun e. Bago pa ako ma-basted, sabi ko, ‘Can we be friends?' [chuckles] Self-esteem ko mawawala e. Unahan mo na siya. Siguro younger days pa yun when I have no experience yet," palusot niya.
Binanggit din ng comedian-TV host ang mga senyales na ang ibig sabihin ay type siya ng isang babae.
"Siguro 'pag tumatawa na siya e tinatapik ka na sa hita. May mga vibrations yan e. 'Pag yung mga tawa niya, genuine. 'Pag ang tingin niya sa iyo e comfortable siya," dagdag niya.
Tinanong din namin siya kung ilang babae na nga ba ang napa-ibig niya. Pabiro niya itong sinagot ng, "More than my fingers siguro. Ganun lang." Tapos pinakita ang mga fingers, "Kase iba yung frontal, iba yung sa likod, ha?"
Ayon kay Joey, marami siyang ka-date ngayon pero malayo pa siya sa punto na magse-settle down ulit. Matatandaang ikinasal si Joey kay Alma Moreno noong 1992 bago sila nagpa-annul ng marriage noong 2004.
Bilang panghuli, tinanong namin siya kung pabor ba siya sa bansag sa kanyang "babaero."
Ani Joey, "Actually, playboy is a compliment e. I don't believe na mayroong pangit na playboy e. ‘Pag playboy, pogi e. The only thing that I disagree with is the word play. Siguro love because I always love them."