PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Is Desiree the future stepmom of Vhong's sons?

Desiree shows up with Vhong Navarro's sons at the premiere of Agent X44
by Jojo Gabinete
Published Jan 17, 2007
Desiree del Valle attends the premiere night of Vhong Navarro's movie


Tagumpay ang premiere night ng Agent X44 na ginanap sa Cinema 10 ng SM Megamall kagabi, January 16. Kumpleto ang cast ng pelikula sa pangunguna ni Vhong Navarro at ng original Agent X44 na si Tony Ferrer.



Agaw-pansin ang pagdalo ng young actress na si Desiree del Valle sa premiere night. Kasama ni Desiree ang dalawang anak na lalake ni Vhong—sina Frederick Bruno, 10, at Isaiah, 8. Ang mother ng panganay ni Vhong ay isang non-showbiz girl, samantalang ang pangalawa ay anak ng comedian sa aktres na si Bianca Lapus.


Ang presence ni Desiree ang pruweba na going strong ang relasyon nila ng kanyang boyfriend na si Vhong, kahit wala silang direktang pag-amin sa publiko.

Ongoing pa rin kasi ang annulment case na isinampa ni Vhong kay Bianca. Ito ang dahilan kung bakit hindi pa rin makapagsalita nang husto ang comedian sa tunay na estado ng relasyon nila ni Desiree.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓



Base sa eksena na nasaksihan ng PEP (Philippine Entertainment Portal), doting future stepmother si Desiree sa mga anak ni Vhong. Kasama rin niya ang ama at ina ng kanyang boyfriend.



Kahanga-hanga ang ipinakita ni Desiree dahil na low-profile. Hindi siya katulad ng ibang babae na nang-aagaw ng atensyon para maramdaman ng tao ang kanyang presence.



Nang matapos ang pelikula, hindi sumabay si Desiree sa paglabas ng cast. Hinintay niya na makaalis ang mga artista bago siya tumayo mula sa kinauupuan, kasama pa rin ang dalawang anak ni Vhong.

Dating contract artist ng Star Magic ng ABS-CBN si Desiree. Ngayon ay regular siyang mapapanood sa fantaserye ng GMA-7 na Atlantika.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Desiree del Valle attends the premiere night of Vhong Navarro's movie
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results