Lumalaki ang gulo sa pagitan ng media personalities na sina Cristy Fermin at Jobert Sucaldito versus Mo Twister. Hindi lang TV, radio, at print media ang nagagagamit kundi pati na rin ang mga kaibigan ng tatlo at ang Internet.
Difference of opinion lang talaga nagsimula ang away sa pagitan ng The Buzz hosts at DZMM announcers na sina Cristy at Jobert at ng comebacking radio host na si Mo. Dahil sa pagku-komento nina Cristy at Jobert sa mga nagiging sagot ng mga nagge-guest sa "40 Forbidden Questions" segment ni Mo, umabot na sa personalan ang gulo ng tatlo.
Pati ang mga fans and supporters ng magkabilang panig, nag-aaway na rin. Nagagamit din erroneously ang Internet.
Sa Pinoy Exchange thread ng radio show ni Mo unang lumabas "reliably" na pinapirma na raw ng talent manager na si Arnold Vegafria si Mo at ang kasama nitong si Mojo Jojo to be part of his talent pool.
PAMI MEETING. Nag-deny si Arnold about this sa meeting ng PAMI (Professional Association of Managers, Inc.)—kung saan miyembro si Arnold—kagabi, January 17, sa Dulcinea restaurant, Tomas Morato. Ang sabi ni Arnold, tumutulong lang daw siya kina Mo and Mojo Jojo, being old friends. Although one source close to Mo and Mojo has confirmed to this writer na may verbal agreement na diumano ang tatlo.
Isa pang "reliable news" ang na-post about the PAMI meeting. Ang isang agenda nga raw during the meeting ay tungkol kina Cristy at Jobert, who have been taking potshots at some PAMI members. The report also said that PAMI is "getting alarmed."
Dininay ito ng PAMI. Totoong may PAMI meeting that Wednesday. Pero tungkol sa balitang naaalarma ang PAMI, ito ang naging sagot sa PEP ng isang PAMI member via text: "Is PAMI alarmed about it? I don't think so. Otherwise, nag-emergency meeting na kami. Get-together meeting lang ito, so kahit kami, hindi pa namin alam ang magiging agenda."
Sa nasabing "get-together" meeting, nabuksan diumano ang Cristy-Jobert issue—na si Arnold na rin ang nagbukas, citing yong paninira sa kanya ng dalawa. Pero si Arnold daw ang na-grill for letting his talents guest sa radio show ni Mo.
Ang main agenda ng PAMI meeting, by the way, had nothing to do with the issue kahit "reliably posted" ito. Tungkol sa fundraising na gagawin ng PAMI for the Bicol ang main agenda.
KRIS AQUINO. Isa pang "reliable information from a really reliable source" ang nagsasabing Kris Aquino is reportedly starting to "complain and inquire" about Cristy and Jobert. Tinatanong na raw ni Kris, "Are those two getting too negative for us?"
Like Arnold, na friend ni Mo, nadawit na rin si Kris, na friend and co-host naman nina Cristy and Jobert sa The Buzz. The "negative" supposedly refers to the fact that for the past four Sundays, nananalo ang S-Files ng GMA-7 sa katapat nitong The Buzz ng ABS-CBN.
But here is a direct quote from Kris: "I will never do such a thing or ask such a question because I know Cristy and Jobert are my friends. I know that they are defending me to death. I also know that if I have nothing good to say, I just shut up."
Isa na lang ang "reliable news" posted ay ang balitang nag-demanda na raw si Arnold against Cristy and Jobert. Hindi ito kumpirmado. Sa tingin ng mga malapit kay Arnold, hindi ito basta-basta gagawin ng talent manager dahil may mga pinangangalagaan itong mga stars.
"ABS-CBN MEETING." According to two other outside sources, last Tuesday morning daw, January 16, ay nag-meeting ang ABS-CBN executives at ang attorney ni Arnold na si Atty. Raymund Fortun. Idedemanda na raw ni Arnold sina Cristy, Jobert, ang radio show nila, ang radio station na DZMM, and even ABS-CBN. Balitang for 18 million pesos plus damage suit—which will reportedly be spread in nine places—ang demanda.
No one is confirming this yet. Although one ABS-CBN insider ang nag-confirm sa PEP that there was indeed a meeting that Tuesday morning sa ABS-CBN. Hindi pa lumalabas ang laman ng usapan.