PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Iza Calzado no plans of getting married yet

Iza's show, At Your Service, wins Bronze Medal at the New York Television Festival
by Nora Calderon
Published Jan 21, 2007
Iza Calzado is the host of the public service program At Your Service, which won a Bronze Medal at the New York Television Festival

Congratulations to Iza Calzado sa pagwawagi ng programa niyang At Your Service ng Bronze Medal sa katatapos lang na New York Television Festival sa category ng "Community Service."

Si Iza ang host ng At Your Service na napapanood every Sunday at 12 noon sa QTV 11, sister network ng GMA-7. Binati siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) nang makausap namin siya sa executive lounge ng GMA Network Center noong January 17.

"Happy kami na napansin ang paghihirap namin sa programang ito. Kahit very busy ako sa taping ng Atlantika, hindi ko ito pinababayaan. Dapat ay twice a week ang taping namin, pero naiintindihan nila ako na once a week lang ako mag-taping dahil nga malayo ang location ng Atlantika. Pero hanggang February 12 na lang ang Atlantika, kaya itong At Your Service na muna ang pagtutuunan ko ng pansin," panimula ni Iza.

"After one year, nag-reformat kami dahil gusto naman naming maabot ang mga tao sa malalayong lugar. Lalo na yung mga indigenous people na una naming natulungan. Yung mga Badjao na nai-settle na sa Pampanga," dagdag na impormasyon ng magandang aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ikinuwento rin ni Iza na sinimulan na nila ang pagpunta sa malalayong lugar. Ang unang pinuntahan ng StarStruck 3 runner-up na si Gian Carlos at ng mga child stars na sina Gabriel Roxas at Bea Binene ay ang Escalante, Negros Occidental. Magbibigay raw ang mga ito ng tulong at mga laruan sa mga bata sa nasabing lugar.

"Through research, nalalaman namin kung sino ang mga dapat tulungan ng programa. Ang mga bata sa Escalante ay halos hindi na nakapaglalaro dahil tumutulong sila sa pagtatrabaho ng kanilang mga magulang. Kaya po binuo ang Memorial Dolls & Toy Center. Yung mga nakolektang mga laruan nina Gabriel at Bianca ay inilagay doon," kuwento.

"Nagpapasalamat kami sa mga celebrities na hindi tumatangging mag-guest sa aming show kahit medyo mahirap. Fulfillment ang nararamdaman ko kapag nakatapos kami ng isang episode dahil marami akong natututunan sa paglilingkod ko sa mga tao," masaya niyang sabi.

Samantala, nasa bansa pa ang boyfriend of two years ni Iza na si Jerry Garcia. Last week of January pa raw ito babalik ng United States. In fact, after ng interview namin kay Iza, may dinner daw siya with Jerry at sa parents nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi ito ang first time na na-meet ni Iza ang parents ni Jerry. Noong December 2005, um-attend ng Gawad Amerika si Iza with Sunshine Dizon para sa panalo ng telefantasiya nilang Encantadia. Ipinakilala na raw siya ni Jerry sa parents nito noon na naka-base na rin sa Boston.

Dahil matagal-tagal na rin naman ang relasyon nina Iza at Jerry, tinanong namin ang anak ni Lito Calzado kung napag-uusapan na rin nila ang kasal.

"Kung minsan, napag-uusapan din namin. Pero wala pang definite plans. Naiintindihan naman ako ni Jerry at hindi niya ako kinukulit. Kasi sabi ko sa kanya, gusto ko munang makaipon bago ang wedding," nakangiting sabi ni Iza.

"Saka alam niyang I love doing movies and television shows. Pinapanood nga niya ang Atlantika at napanood na rin niya ang Moments of Love namin ni Dingdong [Dantes]. Hindi pa niya napapanood ang Eternity [her other movie with Dingdong]. Naipakita ko na rin sa kanya kung ano ang showbiz world dahil sumasama naman siya sa akin mag-attend ng showbiz affairs," kuwento pa niya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Samantala, hindi pa raw alam ni Iza ang susunod niyang proyekto sa GMA-7 pagkatapos ng Atlantika. Pero may bago raw siyang independent film na ginagawa, ang Mona, na tungkol sa escort service. Sa March naman daw ay mapapanood na ang isa pang indie film na ginawa niya. Ito ay ang Blackout ng Unitel Films (Crying Ladies), kung saan si Robin Padilla ang kasama niya.

Read Next
Read More Stories About
Iza Calzado, Dingdong Dantes
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Iza Calzado is the host of the public service program At Your Service, which won a Bronze Medal at the New York Television Festival
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results