Lumang kuwento ang Gretchen Barretto-Lani Mercado rift na nari-revive uli ngayon.
Bilang background para sa mangilan-ngilan na walang alam daw sa showbiz, eto ang kuwento. Si Lani Mercado ay asawa ni Senator Bong Revilla. Kasal na sila noon, bagamat 'di pa senador si Bong at tatlo pa lang ang anak nila, nang nagkarelasyon ang actor-politician kay Gretchen Barretto. Si Gretchen noon ay may boyfriend, si Joey Lozyaga. Nagsimula ang kanilang affair nang magtambal sila sa Ako ang Katarungan. Apat na buwan din ang itinagal ng kanilang relasyon, hanggang sa bumalik na si Bong kay Lani. Noon ay taong 1992.
Fastforward sa Disyembre 23, 2006. Magkasama pa rin sina Bong at Lani, 'di na gaanong aktibo sa pelikula si Lani, at nadagdagan na rin ang kanilang mga anak. May live-in partner na si Gretchen, ang billionaire-businessman na si Tonyboy Cojuangco, dating nagmamay-ari ng PLDT. Nag-attend sina Bong, Lani, at Gretchen (nasa ibang bansa noon si Tonyboy) ng birthday party ng kapwa artista at kaibigang si Lorna Tolentino sa MDC Bar sa Greenhills, San Juan.
Noong Disyembre 29, inilabas ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang balita tungkol sa diumano'y "snubbing incident" na naganap sa pagitan nina Gretchen at Bong sa party na iyon.
Samantala, sa telebisyon ay kinapanayam sina Bong at Lani tungkol dito. Liban sa pagbati ng merry Christmas kay Gretchen, 'di na nagsalita si Bong. Si Lani naman ay nagsabi ng, "I hope that she will have a marriage with Tony."
Nang lumabas ang balita, si Gretchen ay nagbabakasyon sa Singapore kasama sina Tonyboy Cojuangco at Dominique. Sa araw ding iyon, Disyembre 29, tinawagan ng PEP si Gretchen at ininterbyu ito sa telepono. (Tignan ang "PEP EXCLUSIVE: Gretchen denies snubbing Bong," Disyembre 29, 2006, dito sa PEP.)
Sinabi niya sa interbyu na, "You know, two weeks ago, before pa Andeng's [Ynares, Bong's sister] birthday party, Bong told me that Lani wasn't feeling too well. She had parang anxiety attacks, dinala pa nga sa ospital, marami yatang stress. I felt bad naman for Lani. So sabi ko kay Bong, 'Sige, para di na ako makadagdag sa stress, di kita papansinin 'pag nagkita tayo.' Usapan namin ''Wag ka nang lalapit, 'wag na tayong magpansinan.'
"So when I saw him at LT's [Lorna Tolentino] party, di ko na nga siya pinansin. Di ko naman alam mas makakagawa pala ng gulo iyon! Ngayon nagkaroon pa ng publicity na ganoon. I was not thinking that would be the effect. I was doing it for Lani's good."
PANIBAGONG UNOS. Ang kuwento pala ay hindi pa roon nagtatapos.
Kasabay ng pagkakadawit ng kanyang partner na si Tonyboy sa nabigong coup attempt sa administrasyon ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo noong February 2006, si Gretchen naman ang mismong kasangkot uli sa revival ng isyung Lani-Bong.
Sa pagtatanong ng media, naungkat uli ang pagbati ni Lani kay Gretchen. At bagamat maganda ang bagsak ng mga pananalita ni Lani, hindi matanggap ni Gretchen na walang pakahulugan iyon. Sa madaling salita, hindi nagustuhan ni Gretchen ang sinabi ni Lani na sana ay may kasalanan nang maganap sa kanila ni Tonyboy.
Sa Olay Swap event kahapon ng tanghali, January 20, sa Tempt Asian restaurant, SM Megamall, ay hindi na napigilang magsalita si Gretchen.
"Nung pinalabas yung statement ni Lani, nasa Singapore ako nun. Bago lumabas yun nung gabing ‘yon, tinawagan ako ni Bong sa cell phone ko. Unang sabi ni Bong, ‘Congratulations! Number four yung pelikula mo.' Binola-bola pa ako ni Bong," panimulang kuwento ni Gretchen. Ang tinutukoy na pelikula ni Bong ay ang Matakot Ka Sa Karma, isa sa official entries sa nakaraang Metro Manila Film Festival.
"Sabi ko naman, thank you. Na-excite naman ako. Sabi niya, ‘Happy New Year, magnu-New Year na.' Sabi ko, ‘Okay, Happy New Year.' Sabi ko, ‘Okay, bakit ‘andaming bola? What's your story? Tell me, tell me.' Alam ko si Bong kung saan siya patungo.
"Sabi niya, ‘I'm happy for you that your career is doing well. Mukhang ang saya-saya mo.' Sabi niya, 'Positive ka sa tao ngayon, hindi ka nang-aaway.' Sabi ko, ‘Bakit, ano na naman ‘yan?'
"Naikuwento niya na, ‘Kung may marinig ka na negative galing kahit kanino, wag ka nang mag-react ha?' ...Hala ka, mamaya, marami nang nagte-text na si Lani nga pala yun! I questioned Bong after that. Sabi ko, ‘Bakit naman ganyan?'" patuloy ni Gretchen.




