PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

No chance of reconciliation for Lotlot and Monching

"We're better off as friends," says Lotlot de Leon with some finality.
by Melba R. Llanera
Published Jan 24, 2007
"Wala na sigurong chance. We're better off as friends. We have to be friends talaga because we have four kids between us kahit na naghiwalay na kami," says Lotlot de Leon about reconciliation with Ramon Christopher.


Pagkatapos ng ilang taon na ring paghihiwalay nila Lotlot de Leon at Ramon Christopher, isa pa ring malaking katanungan kung ano nga ba ang tunay na dahilan at nauwi sa hiwalayan ang mahigit sampung taong relasyon ng mag-asawa.



Usap-usapan pa rin hanggang ngayon na si Pilita Corrales daw talaga ang pumasan sa responsiblidad ng anak nitong si Monching bilang padre de pamilya. Lahat daw ay inasa na lang ng aktor sa kanyang ina.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) last January 20, ito ang sinabi ni Lotlot: "Hindi, very personal reason... at ang importante, tanggap na ng mga bata. Hindi naman kasi ako showbiz na tao para magdadadakdak ako kung ano ang problema ng pamilya namin. May mga bagay kasi na dapat talagang pampamilya lang."



Matapos ang 13 years na pagsasama, tanggap na ni Lotlot kung totoo nga ang bali-balitang may bagong non-showbiz girlfriend si Monching. Aminado rin naman ang aktres na lumalabas siya kasama ang ilang kaibigan, pero di nangangahulugan na may bago na rin siyang karelasyon kahit na nga ilang ulit nang nabalita na may boyfriend siya. Ganuon din daw ang pananaw niya tungkol sa posibleng girlfriend ni Monching.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓



"Okay lang yun, walang problema. Kasi Mon and I have been separated ilang taon na, so we have the right to move on and be happy," sabi ni Lotlot sa panayam na naganap sa backstage ng Eat Bulaga!.



"Ako kasi, I don't have a lovelife, zero balance. Mayroon akong naka-date, pero group date. Wala pa akong nakikita sa kanilang seryoso and I'm too old to play around. I'm enjoying my life right now," patuloy niya.

"Hindi pa rin ako magse-settle down right away, ang dami ko pang kailangang ayusin sa sarili ko. Siguro kung may makakaharap akong lalake na seryoso sa buhay at tanggap ang sitwasyon ko bilang hiwalay, separada, at may apat na anak, bakit hindi?" kuwento ni Lotlot.



"Na-link ako kung kani-kanino before, kay Gardo [Versoza] at sa iba pa. Alam mo naman dito sa atin, makita lang na may kasama ka, malambing ka sa isang guy or malambing siya sa iyo, issue na kaagad yun," ani Lotlot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kinumpirma rin ni Lotlot na most of the time ay nasa pangangalaga ni Monching ang apat nilang anak. Isa raw itong kasunduan na napagpasyahan nila dala na rin ng mga ginagawang proyekto sa ngayon ni Lotlot.



"Minsan nasa kanya, minsan nasa akin. Malalaki na kasi ang mga bata so hindi na talaga problema kung saan sila. Ako, since I live on my own, ako ang nagda-drive. Mag-isa lang ako sa bahay, walang maiiwan sa kanila if they stay with me. It would be better kung alam kong they are all safe together, na magkakasama silang magkakapatid," paliwanag ni Lotlot.



"I was there naman sa growing up years nila. I was a housewife for 13 years. Hindi na kami nagkasama sa isang bahay nung nagdadalaga na sila but almost every day, nagkikita naman kami. They also sleep sa bahay, so parang ganun pa rin," patuloy pa niya.

Kapag naghiwalay ang isang mag-asawa, malaki ang posibilidad na magrebelde ang mga anak nila. Hindi ba sila natatakot ni Monching na baka mangyari ito sa kanilang mga anak?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!



"Sobrang lahat naman ng magulang yun ang fear, di ba? Kung anuman ang mangyari, there always be guilt, but I'm praying. I'm confident that even if I'm separated with their father, they would grow up well and they will be good kids, good people."

Wala na bang pag-asang magkabalikan sila ni Monching?



"Wala na sigurong chance. We're better off as friends. We have to be friends talaga because we have four kids between us kahit na naghiwalay na kami. Sabay pa rin naming pinalalaki ang mga bata," nakangiting sabi ni Lotlot.

Kumusta naman na ang relasyon nila ng kanyang biyenan na si Pilita Corrales na nakasamaan niya ng loob?



"Let's just keep that na lang na, if it will happen, it will happen. I don't really wanna say anything about that anymore. Ako naman, wala na sa akin lahat yun. Kaya lang, siyempre hindi lahat nira-rush. Sometimes, panahon lang ang makakapagsabi kung magiging maayos o hindi," paliwanag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inusisa rin namin kay Lotlot ang balitang uuwi na sa Pilipinas ang ina niyang si Nora Aunor na nasa Amerika pa rin hanggang ngayon.

"Hindi ko talaga alam ang plano nila. Medyo matagal na rin kasi kami nung huling nakapag-usap, but as I can see, mukhang okay na naman. Marami pa rin naman siyang shows dun, and alam ko settled na rin ang kaso niya dun. Hindi na rin kami natuloy na dalawin siya, especially now, I have a new soap sa GMA," sabi niya.



"Siyempre nami-miss namin siya and marami ring nakaka-miss sa kanya. But wherever makes her happy, susuportahan namin siya," pagtatapos ni Lotlot.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Wala na sigurong chance. We're better off as friends. We have to be friends talaga because we have four kids between us kahit na naghiwalay na kami," says Lotlot de Leon about reconciliation with Ramon Christopher.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results