Rufa Mae Quinto: "I'll just be here to support, but not to make sawsaw!"

Nerisa Almo
Monday, January 29, 2007 @ 07:29AM  |  8 views

"Basta ako po, ayoko ko pong makisali sa issues po ng ibang tao. Friends ko naman both si Gretchen at ang family ng Revilla. So parang for me po, kahit na kaibigan ko sila, kung anuman po ang issues nila, I'll just be here to support, but not to make sawsaw," says Rufa Mae Quinto about the rift between Gretchen Barretto and Lani Mercado.













Pinabulaan ni Rufa Mae Quinto ang dalawang issues na nagdadawit sa kanya bilang third party sa mga relasyong Jeremy Marquez-Alessandra de Rossi at Bong Revilla-Lani Mercado.

"Ano ba? May issues na naman pala akong bago na ngayon ko lang nalaman," natatawang pahayag ni Rufa Mae sa live interview ng Startalk noong Sabado, January 27.

Ayon sa sexy comedienne ay wala siyang ideya na naghiwalay na pala sina Alex at Jeremy.

"Tinatanong ko nga kung kailan sila nag-break. Bakit ngayon n'yo lang ako tinatanong ng ganyan? Hindi ko nga alam na nag-break sila," maikling reaksyon ni Rufa Mae.

Samantala, kamakailan lamang ay nabanggit ng Startalk co-host na si Lolit Solis sa isang interview ang pangalan ni Rufa Mae bilang isa sa mga babaeng na-link kay Senator Bong Revilla. Ito ay may kinalaman sa sagot ni Manay Lolit sa mga pahayag ni Gretchen Barretto, na ayon sa talent manager-TV host, ay nagkaroon din ng relasyon kay Bong gaya ni Rufa Mae.

Nang tanungin si Peachy—mas kilalang pangalan ni Rufa Mae sa mga kaibigan niya sa showbiz—kung bakit siya isinasama sa mga na-link kay Bong, tapat niyang sinagot na: "Na-link naman po kasi talaga. What I had with Senator Bong Revilla was a friendship-relationship. Kasi we've been working together for seven or almost eight years na. Working and friendship relationship."

Agad namang nilinaw ni Lolit, na isa sa mga nag-interview kay Rufa Mae sa Startalk, kung bakit niya nabanggit ang pangalan ni Rufa Mae. Ayon sa kanya, "Yung kay Rufa Mae, na-appreciate ko kasi even na na-link siya or whatever, hindi siya nagsalita kahit kailan, di ba?"

Sa nasabing interview pa rin, tinanong ni Lolit si Rufa Mae kung bakit mukhang mas pinapaboran niya si Gretchen. Agad naman itong nilinaw ni Rufa Mae. Ayon sa kanya, matagal na silang magkaibigan ni Gretchen, simula pa nang gawin ni Rufa Mae ang pelikulang Booba.

Ipinaliwanag ni Rufa Mae na, "Kasi po ganito, after po ng Booba ko po, Gretchen called me o naghanap po siya ng paraan para matawagan ako. Binigyan niya po ako ng isang box ng makeup na pang-mayaman. Sabi niya, 'Girl, ginagamit 'to ni Madonna. You know, tuwang-tuwa ako sa'yo.'"

Tuluy-tuloy na paglalahad ni Rufa Mae, "From then on, na-appreciate ko na yung friendship namin. Tapos tuwing I have problems naman, we talk. Mas mabait sa akin si Ms. Gretch at ako din naman, friends kami."

Tila iiniiwasan talaga ni Rufa Mae ang isyu tungkol sa pagkakadawit ng pangalan niya sa alitan nina Gretchen at Lani at Bong.

Ang tanging mensahe ni Rufa Mae para kina Gretchen, Bong at Lani: "Basta ako po, ayoko ko pong makisali sa issues po ng ibang tao. Friends ko naman both si Gretchen at ang family ng Revilla. So parang for me po, kahit na kaibigan ko sila, kung anuman po ang issues nila, I'll just be here to support, but not to make sawsaw."

1  

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name