PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rufa Mae Quinto denies replacing Gladys Guevarra in "Eat Bulaga!"

Rufa Mae says there is no offer yet for her to join Eat Bulaga!
by Nora Calderon
Published Jan 31, 2007
"Wala po namang problema sa akin, if ever. Trabaho ‘yon, tatanggapin ko.... Kung totoo po, hindi naman siguro kapalit ni Gladys, friend ko siya at isa sa paborito kong nag-i-impersonate sa akin," says Rufa Mae Quinto about rumors that she is replacing Gladys Guevarra in Eat Bulaga!


Nag-guest lang ang sexy comedienne na si Rufa Mae Quinto sa Eat Bulaga! two Saturdays ago ay may kumalat ng issue na siya na raw ang papalit sa nag-resign na si Gladys Guevarra.

"Wala po akong alam doon. Wala namang sinasabi ang manager ko, si Tito Boy Abunda, na may offer sa akin ang Eat Bulaga!," sagot ni Rufa Mae nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal). Naganap ang interbyu kay Rufa Mae sa press con niya para sa concert nila ng boyfriend niyang si Erik Santos na When Erik Met Rufa The Repeat...To The Max last Monday, January 29. Si Rufa Mae lang ang humarap sa press; wala noon si Erik.

Dagdag ng singer-comedienne, "Wala po namang problema sa akin, if ever. Trabaho ‘yon, tatanggapin ko. Dati po naman—two years ago—every Saturday, may opening dance number ako talaga sa Eat Bulaga! Pagkatapos, naghu-host din ako. Kung totoo po, hindi naman siguro kapalit ni Gladys, friend ko siya at isa sa paborito kong nag-i-impersonate sa akin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukas, February 1, ay si Rufa Mae ang tampok na bituin sa Magpakailanman. Gagampanan niya ang role ng isang retardate na ni-rape ng kumpare ng kanyang ama at nagkaanak.

"Dito ko na sisimulan ang pag-arte ko. Matagal ko nang dream na makaganap bilang isang retardate at ito ang role na gagampanan ko bilang si Analyn. Nakakausap naman si Analyn, hindi nga lang tuwid ang kanyang pagsasalita," sabi ni Rufa Mae.

"Naawa ako sa kanilang mag-ina nang makita ko sila kaya naisip kong humiling sa Wish Ko Lang ni Vicky Morales. Binigyan ng scholarship ang 11-year-old son niya at kay Analyn naman, pangkabuhayan showcase," kuwento pa niya.

Ibinalita rin ni Rufa Mae na dalawang pelikula ang nakatakda niyang gawin this year.

"Isa sa OctoArts Films at isa sa Viva Films ang gagawin ko, pero parehong si Direk Wenn Deramas ang direktor. First time ko lang makakatrabaho si Direk Wenn, although pinanood ko ang mga ginawa niya. By March, sisimulan ko na ang shooting with Ai Ai," sabi ni Rufa Mae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Last major concert na raw ni Rufa Mae ang When Erik Met Rufa The Repeat...To The Max. Naka-tatlong major concerts daw kasi si Rufa Mae last year: ang birthday concert niya sa Aliw Theater, ang When Erik Met Rufa sa Music Museum, at ang unang repeat nito sa same venue.

Kung meron daw ulit gagawing major concert si Rufa Mae, hanggang guesting na lang daw siya. Like sa February 8, aalis daw siya papuntang Qatar with Regine Velasquez and Arnell Ignacio para sa show ng Smart.

Nalaman ng PEP kay Rufa Mae na manonood si Gretchen Barretto ng concert nila ni Erik. Ayon sa comedienne, matagal na raw silang magkaibigan ni Gretchen. Kung minsan, dumadalaw din si Gretchen sa taping niya, at madalas din silang mag-usap sa cell phone.

"Nagulat nga ako, after kong mag-guest sa Startalk last Saturday, pinadalhan niya ako ng mga chocolates. Saka yung Christmas gift niya na hindi ko nakuha sa kanya, ipinadala rin niya—isang Channel wallet na may lamang 50 dollars," kuwento ni Rufa Mae.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

May nagbiro kay Rufa Mae na baka manood din ng concert nila ni Erik ang dati niyang boyfriend na si Rudy Hatfield.

"Mukhang malabo ‘yon dahil simula nang umuwi siya rito, hindi pa kami nagkakausap. Huwag na lang dahil, inaamin ko, nasaktan din ako sa mga sinabi niya sa interview na wala akong nagawang maganda sa kanya," seryosong sabi ni Rufa Mae.

"Kaya siguro hindi siya ang ibinigay sa akin ni Lord kahit dasal ako nang dasal noon na maging kami na sana. Hindi pala siya ang tama para sa akin kundi si Erik. In fairness, hanggang ngayon, hindi pa kami nag-aaway ni Erik," patuloy niya.

Nang tanungin kung ano ang plano nila ng kanyang boyfriend sa darating na Araw ng mga Puso, sinabi ni Rufa Mae na manonood lang daw siya ng Valentine concert ni Erik sa Captain's Bar. Pero pagkatapos daw nito ay gusto nilang magbakasyon kahit three days lang. Kahit daw saan, basta makapagpahinga sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang When Erik Met Rufa The Repeat...to the Max! ay gaganapin sa February 16 sa Aliw Theater. Memorable daw ang Aliw Theater kay Rufa Mae dahil dito siya unang hinalikan ni Erik sa isang duet nila. Ito rin ang naging hudyat ng simula ng maganda nilang relasyon na almost five months na ngayon.

Special guests nina Rufa Mae at Erik sina Ogie Alcasid at Ai Ai delas Alas. Si Joyce Bernal ang nag-conceptualize ng concert mula sa script ni Mel del Rosario. Si Bong Quintana ang stage director at si Louie Ocampo ang musical director.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Wala po namang problema sa akin, if ever. Trabaho ‘yon, tatanggapin ko.... Kung totoo po, hindi naman siguro kapalit ni Gladys, friend ko siya at isa sa paborito kong nag-i-impersonate sa akin," says Rufa Mae Quinto about rumors that she is replacing Gladys Guevarra in Eat Bulaga!
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results