The garden wedding of Danica Sotto and Marc Pingris is all set on March 3 at the Palms Country Club, Alabang. Photo: Noel Orsal

Tuloy na tuloy na ang kasal nina Danica Sotto at Marc Pingris sa darating na March 3 sa Alabang.

Private family affair ang kasalan ng panganay na anak nina Vic Sotto at Dina Bonnevie na si Danica Anna Bonnevie Sotto with PBA superstar Jean Marc Prado Pingris, Jr. Kakaunti lang ang imbitado sa pag-iisang dibdib ng dalawa na gaganapin sa Palms Country Club sa Alabang, sa dakong ala-tres y medya ng hapon.

Tatayong principal sponsors sina Mr. Anton Motinola and Mrs. Rowena Guiwa, Mr. Rene Pardo and Mrs. Elizabeth Pardo, Hon. Vicente "Tito" Sotto III and Mrs. Helen Gamboa-Sotto, Pastor Solomon Huang and Mrs. Loucelle Huang, Mr. Alvin Patrimonio and Mrs. Janette Jaudines, Mr. Zandro Limpot and Mrs. Camille Anne Escobido, Hon. Ramon Morden and Mrs. Marlene Los Banos, Dr. Jose Raul Canlas and Mrs. Malou Choa-Fagar, at Mr. Francisco Alejo III and Mrs. Teresita Vergara.

Tatayong Best Man si Edy Jose Ponceja at Maids of Honor naman sina Ciara Anna Sotto at Denise Camille Facura. The other sponsors will be Victor Sotto and Ana Margarita Padilla for the candle, Vittorio "Oyo" Sotto and Angelica Colmenares (Angel Locsin) for the veil, and Romel Adducul and Mari Joanne Gamboa for the cord.

Kahit na nag-break na sina Oyo at Angel ay sila pa rin ang magkatuwang as veil sponsors. Naging malapit na kasi si Angel kay Danica at sa pamilya Sotto kaya wala raw dahilan upang baguhin ang plano.

Ring bearer si Vincent Woolbright Sotto IV, coin bearer naman si Lizelle Uy, at ang Bible bearer ay si Alessandra Schiavone (Alessandra de Rossi). Ang mga Junior bridesmaids ay sina Thalia Gonzales, Gabrielle Adrianne Fregil, at Denise Salve Jean Gamboa, habang flower girls sina Helena de Leon and Breanna Gonzales.

Ang theme ng kasal ay fairy kingdom.