"I know it's a hard process to go through. Ang sa amin lang naman, kung ano ang makakagaan sa mga bata. Pero at this point, hindi pa naman kailangan," says Bing Loyzaga about the possibility of filing for an annulment of her marriage to Janno Gibbs.   Photo: Noel Orsal


Nang i-announce ni Bing Loyzaga last year na nakipaghiwalay na siya sa asawang si Janno Gibbs, hindi na ito pinagtakhan ng marami dahil napuno na raw siguro ang aktres sa pagkaka-link ng asawa sa iba't ibang babae. Pero sa kabila nito ay hindi pa rin nagpa-file ng annulment sino man kina Bing at Janno.

 

In an interview with PEP (Philippine Entertainment Portal), Bing clarified that the annulment case is not in her plans right now. But she said that she is not closing her doors to this possibility.



"Wala pang ipina-file na annulment," sabi ni Bing. "Pag kailangan na siguro, pero sa ngayon kasi okay na kami sa ganito. I know it's a hard process to go through. Ang sa amin lang naman, kung ano ang makakagaan sa mga bata. Pero at this point, hindi pa naman kailangan.

 

"‘Pag dumating ‘yan, siguro we will sit down and talk with the kids, and maybe do whatever is needed. Bago pa kami maging okay talaga ni Janno at maging magkaibigan, kinausap na namin sila. Ngayon, hindi na namin kailangang mag-explain kasi nakikita naman nila na mas okay, very healthy yung atmosphere sa bahay."

 

Nilinaw rin ni Bing ang lumabas na balita noon na magkasama pa rin sila sa bahay.



"Sa kabilang unit pa rin siya nakatira, but we spend time together with the kids. Nanonood kami ng DVD, kuwentuhan. We're very okay. Ang sarap nga kasi ngayon magkaibigan kami, we can talk, wala nang takot," masayang kuwento ni Bing.

 

Samantala, nagbigay ng reaksiyon si Bing sa pagkaka-link ng kanyang asawa sa EB Babes member na si Lian Paz, na ayon sa balita ay niligawan ni Janno.

 

"Marami naman talagang nali-link kay Janno, aminin natin. Di hamak naman kasing guwapo ang asawa ko, maasikaso, mabait. So it's not a surprise kung may mga nagka-crush man sa kanya or nagkakagusto. Janno is not a hard person to love. Actually, minsan nami-misinterpret lang, e. Madalas naman, hindi si Janno ang nanliligaw, sila," pagtatanggol pa ni Bing sa asawa.

 

Inamin din ni Bing that she goes out on dates, pero hindi pa raw siya ready na magka-boyfriend muli.



"Yeah, I go out once in a while, but [with] no one in particular," aniya. "I don't want to be with anybody talaga in particular, but I'm very open in meeting people. Ayokong pumasok sa isang relasyon na naghihilom pa ako, gusto ko okay na ako."

 

Sa ngayon ay medyo pahinga muna sa showbiz career niya si Bing. She's devoting her time to her family and kids, especially Alyssa who is turning 18 a few months from now. Si Bing ang punong-abala sa debut party ng panganay nila ni Janno.