"Napag-uusapan namin pero ayoko namang sa akin manggaling yung serious na usapan about marriage. Bago pa lang naman kami and we're still getting to know each other more," says Andrea del Rosario about her French boyfriend, Eric. Photo: Noel Orsal


Mukhang in love na in love si Andrea del Rosario sa kanyang French boyfriend na nagngangalang Eric. Kasamang dumating ni Andrea si Eric sa nakaraang 4th Golden Screen Awards, kung saan nominated ang sexy actress sa best actress category for Rome & Juliet at nagkaroon pa siya ng sexy Polynesian dance number kasama sina Regine Tolentino at Juliana Palermo.



Hindi hiniwalayan ni Eric si Andrea. Kahit na nagre-rehearse ang sexy actress sa backstage ay nagtitiyaga itong maghintay para lang alalayan ang girlfriend kung may kailangan ito.



"He's so sweet. Ewan ko ba, ang ganda ko ba? Huwag nang mainggit ang mga bading sa akin, ‘no! Akin na ‘yan. Kanya-kanya na itong hanapan ng lalake!" biro pa niya.



Hindi na nagulat ang marami na isang foreigner na naman ang boyfriend ni Andrea. Ever since naman talaga ay malakas ang appeal niya sa mga Europeans.



"Pang-Afam daw talaga ang beauty ko. May magagawa ba ako kung naglalaway sila sa akin!" tawa ulit ni Andrea.



"Sa totoo lang, mas gusto ko ang pag-iisip ng mga foreigners, lalo na ang mga Europeans. Hindi sila possessive at broadminded sila. Alam nila kung sobra na ang pagmamahal nila. Binabalanse nila ang lahat kaya wala akong problema sa Europeans," paliwanag ni Andrea.



"Hindi rin sila seloso kaya kahit na may mga kasama akong ibang guys, wala silang care. Dedma sila. Basta ipinakita na nilang mahal ka nila, yun na ‘yon. Kaya ang ganda ko, di ba?"



Ikinuwento rin ni Andrea na nagbakasyon sila ni Eric sa Europe kamakailan. Ipinakilala siya ni Eric sa mga kaibigan at kamag-anak nito na nakatira sa France at Istanbul, Turkey. Nagulat nga raw si Andrea sa isang kaibigan ni Eric na nakatira sa isang malaking castle.



Six months na raw silang mag-on, pero niyaya na ba ni Eric si Andrea na magpakasal?



Aniya, "Well, napag-uusapan namin pero ayoko namang sa akin manggaling yung serious na usapan about marriage. Bago pa lang naman kami and we're still getting to know each other more. Marami na rin akong na-discover sa kanya ‘tsaka gusto siya ng pamilya ko.



"Dream wedding? Sana ikasal kami sa loob ng castle. Para feeling ko sina Katie Holmes at Tom Cruise kaming dalawa! Ambiyosa ba?" natatawang pagtatapos ni Andrea.