"Ako naman, lagi ko siyang ipinagdarasal to have a happy, contented, and quiet lovelife. Alam ko si Vina, gusto niya ring mag-settle down with the right person and there's one out there," ito ang pahayag ng senatorial candidate na si Miguel Zubiri nang hingan siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ng reaksiyon tungkol sa lovelife ngayon ng kanyang ex-girlfriend na si Vina Morales.
Matatandaang naging matagal din ang relasyon nina Miguel at Vina at inakala nga ng marami na mauuwi na sa kasalan ang lahat. Pero nag-break din sila at ngayon nga ay kasal na si Miguel sa commercial model na si Audrey Tan, samantalang may bagong non-showbiz boyfriend si Vina—si Cedric Lee.
Nasa matinding pagsubok ngayon ang relasyon nina Vina at Cedric dahil bagama't nagmamahalan sila, may mga balakid sa kanilang pagsasama. Hindi pa kasi annulled ang kasal ni Cedric sa kanyang dating asawa bagama't matagal na silang hiwalay.
Ayon kay Miguel, naging maganda naman ang relasyon nila noon ni Vina. Kaya nga nang tanungin ang pulitiko kung ano ang magiging reaksiyon niya ‘pag nag-volunteer si Vina para suportahan at ikampanya siya ngayong eleksiyon ay nagpahayag ng kasiyahan si Miguel.
"Kilala
naman ako ni Vina, we had a decent relationship together, may
pinagsamahan kaming maganda. To be honest, I don't want to have kasi
false expectations tapos malulungkot ka ‘pag di nangyari. But if she
does endorse me, personally, voluntarily, malaking tulong sa akin yun.
Wholeheartedly, magpapasalamat talaga ako kasi malaking bagay yun kasi
maraming fans si Vina and maraming makikinig sa kanya," sabi ni Miguel.
Kung magdedesisyon nga si Vina na tulungan si Miguel sa pangangampanya ay hindi maiiwasan na maging issue uli ang nakaraan nila. Isang issue na kampante si Miguel na hindi nila pag-aawayan ng asawang si Audrey.
"That
will never be an issue," aniya. "Audrey is very supportive of me, she
trusts me so much and super cool na tao ang asawa ko."
