The Top 12 finalists of the first Philippine Idol held a major concert last Friday, March 23, at the Araneta Coliseum. The performers include (from left) Jan Nieto, Mau Marcelo, and Gian Magdangal. Photo: Enie Reyes


Napadaan kami sa ginanap na reunion concert ng Top 12 Philippine Idol finalists at nakakalungkot ang mga naging eksena sa Araneta Coliseum last March 23rd. Bukod sa hindi nito nagawang punuin ang mga major sections ng naturang venue, tila hindi masyadong maayos ang ginamit na sound system for us to get out of the place every now and then.

 

Sayang talaga ang naturang event as it could be the most exciting one after the Top 12 Idol finalists hit the limelight some few months back.

 

Among the 12, very evident na umarangkada na nang husto ang runners-up na sina Jan Nieto at Gian Magdangal. Performance-wise, gamay na gamay na nila ang entablado.

 

Kahit sa pagsasayaw ay umokey ang dalawang heartthrobs. Malakas ang tili sa kanila nang sampulan nila ng "Itaktak Mo" dance ang audience. Mas nag-improve din ang kanilang mga boses. Yun nga lang, pangit talaga ang sound system dahil in many occasions, tunog-ewan ang mga microphones nila.

 

We expected to see a slimmer Mau Marcelo, the grand winner in that talent search, but she still has the bulge na minsan niyang naging liability during the contest. But she still has that great voice na siya naman talagang puhunan niya.

 

Okay rin para sa amin sina Pow Chavez at Reymond Sajor. Mukhang marami silang nahakot na supporters nila dahil ang lakas-lakas ng sigawan for them. Kahit nagmistulang aalog-alog ang mga tao sa naturang show, marami pa rin naman ang nasiyahan sa palabas.

 

May nakakaintriga lang na item na umabot sa amin from a dear friend na nakausap ang ilang idols. Diumano ay umiral na naman ang pagkakaroon ng crab mentality ng ilan sa mga ito dahil imbes na pahiramin ng magandang microphone ang pumapalpak nilang kasama, nagmaramot daw ang iba.

 

May mga umiyak pa nga raw sa dressing room nang tila makapagsalita ang isang Idol ng medyo masakit sa tenga as if joke lang ito. May tsumika pang disaster na nga ang palabas dahil nagmukha raw itong school presentation ay may mga pilit pang nagpapababa ng morale nila.