"Nasa tamang edad naman na ako. Basta naman you have the body, you have nothing to be ashamed of," says newcomer Vince Saldaña, nephew of matinee idol Piolo Pascual. Photo: Viva Artist Agency


Nanghihinayang ang Viva artist na si Vince Saldaña dahil natanggal siya sa cast ng bagong show ng GMA-7 na L.U.V. Pow., starring Yasmien Kurdi, Rhian Ramos, and Valerie Concepcion.

 

Originally ay kasama sana si Vince sa cast with Close-Up to Fame Season 2 winner na si Horeb Sibal. Nang magkaroon ng panibagong casting ay natanggal si Vince, pero na-retain si Reb.



"Yun ang balitang nakarating sa akin," sabi ni Vince. "Hindi naman na ako nagtanong kung bakit ako natanggal sa cast. Sayang kasi it would have been a nice project after ng Posh sa QTV 11.



Dagdag pa niya, "But if the show was not meant for me, okay lang. Marami pa namang plans ang Viva for me. Happy naman ako for Reb kasi first regular show niya ‘yon at sa GMA-7 pa. Sana magkaroon din ako ng chance na makapag-work sa Siete soon."



Ibini-build up si Vince bilang isang matinee idol. Susubukan ang dating ni Vince via the comedy film Ang Cute Ng Ina Mo ng Star Cinema and Viva Films, kung saan bida sina Ai-Ai delas Alas, Lucky Manzano, at Anne Curtis. Natutuwa nga raw si Vince dahil maganda at mahaba ang role na ibinigay sa kanya.



"It's so nice working with the likes of Ai-Ai and Anne. Dati-rati, napapanood ko lang sila sa TV at sa pelikula, ngayon kasama ko pa sila. Umuwi nga rito ang parents ko para lang makapanood sila ng premiere night. Excited din silang ma-meet ang mga kasama kong artista," nakangiting pahayag ni Vince.



May mga sexy pictorials nang lumabas si Vince at maganda naman ang mga nakuha niyang feedback. Okay lang daw sa kanya ang magpa-sexy sa movies, pero depende raw ‘yon sa kagustuhan ng Viva.



"Kung ano ang desisyon ng Viva, yun ang susundin ko. I see nothing wrong in going sexy. Nasa tamang edad naman na ako. Basta naman you have the body, you have nothing to be ashamed of. Pero it all depends on Viva sa ano ang gusto nilang image for me."



Nilinaw rin ni Vince na hindi niya pinsan si Piolo Pascual kundi uncle niya ang matinee idol. Ang daddy niya at si Piolo ay magpinsang buo. Maganda raw ang advices sa kanya ng kanyang Tito Piolo at isa roon ay ang mag-enjoy sa opportunity na dumating sa kanya sa showbiz dahil hindi raw lahat ay kinukuhang maging artista.