PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Judy Ann Santos: A film with GMA Films, a soap opera with ABS-CBN

Juday reacts to Box-Office Queen award snub by Guillermo Mendoza Memorial Award.
by Rommel R. Llanes
Published Apr 8, 2007
"In fairness din naman sa ABS, inalagaan naman nila ako nang husto. Malaki din naman ang utang na loob ko sa kanila kaya hindi ko naman iaalis sa kanila yun. Yun nga lang, marami rin ngang mga maliliit na pagkukulang.... Nakikita ko naman sa kanila that they're doing everything para huwag nang maulit yung mga nangyari," says Judy Ann Santos.

Hiningan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ng komento ang young superstar na si Judy Ann Santos tungkol sa pagkakaloob ng Guillermo Mendoza Memorial Awards kina Kris Aquino at Claudine Barretto bilang Box Office Queens para sa pelikula nilang Sukob. May mga nagsasabi na si Juday ang dapat na itinanghal na Box Office Queen dahil sa lakas sa takilya na ipinakita ng kanyang pelikula with boyfriend Ryan Agoncillo, ang Kasal, Kasali, Kasalo, na ipinalabas noong 2006 Metro Manila Film Festival. Parehong mula sa Star Cinema ang Sukob at Kasal, Kasali, Kasalo.

"As always, may sarili silang [Guillermo Mendoza Memorial Award] opinyon at may sarili silang kalkulasyon, so okay lang. Hindi rin naman ako nag-e-expect na ibibigay sa akin yung Box Office Queen award," seryosong pahayag ni Judy Ann, pero tumanggi na siyang magbigay ng karagdagang komento tungkol dito.

Samantala, natanong din namin kay Juday kung nakikita niya ang kanyang sarili na mag ala-Vilma Santos, na mula sa pagiging isang mahusay na aktres ay mapunta sa pulitika at maging very effective public servant.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi!" mabilis niyang tugon. "Ako naman, malaki ang respeto ko kay Ate Vi. Alam ko namang malaki ang pagmamahal niya sa mga taga-Batangas, pero hindi ko talaga linya ang pulitika.

"Puwede naman akong tumulong na sarili ko na lang. Sa maliliit na bagay na lang ako tutulong, hanggang sa abot ng makakaya ko. Hindi ko na ipu-push yung sarili ko na pumasok sa pulitika, kasi hindi ko forte yun," paliwanag pa niya.

If ever na dumating ang time na lumagay na sila sa tahimik ni Ryan or kahit ngayong magkasintahan pa lang sila, at may humikayat kay Ryan na pasukin ang politics, papayagan kaya ni Juday ang kanyang kasintahan?

"Kung ano man ang maging desisyon niya, kung gusto niyang tumakbo, e, di go! Nasa sa kanya naman yun," sabi ng young actress.

Sa kasalukuyan ay ginagawa ni Juday ang horror flick na Ouija, mula sa GMA Films at Viva Films. Sa pelikulang ito ay kasama niya ang kanyang matalik na kaibigan at rival na si Jolina Magdangal. Pantay at equally important ang billing nila ni Jolina sa Ouija, kahit marami ang nagsasabing dapat na mas malaki at mas mataas ang billing ng pangalan ni Juday. Ano ang masasabi ni Juday rito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Wala namang issue sa akin ang billing ever since, e," ani Juday. "Kasi sa akin, malaki o maliit yung billing, ang importante, maganda yung role mo, maganda yung pelikula, okay na yun sa akin."

Samantala, after ng Kasal, Kasali, Kasalo ay may gagawin ulit na pelikula sina Juday at Ryan, this time for Regal Entertainment. Dahil sa box-office at critical success ng unang team-up nila ni Ryan sa pelikula, siguradong ikukumpara ang kanilang follow-up movie.

"Given na siguro yun na ikukumpara. So as much as possible, susubukan lang namin na sana maiba. Kasi hindi na namin mahihigitan yung KKK kahit sa anong paraan pa gawin. Kumbaga, nagpapasalamat kami sa Star Cinema na nabigyan kami ng chance na makapagtrabaho with Direk Joey [Reyes] at mabigyan kami ng chance na magkaroon ng isang magandang project."

Contrary sa balitang shelved na ang drama series nila ni Ryan sa ABS-CBN na Ysabella, sinabi ni Juday na tuloy na tuloy na raw ito.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nilinaw rin ni Juday na kahit gumagawa siya ng pelikula ngayon sa GMA Films ay tuloy pa rin siya sa kanyang TV projects sa ABS-CBN.

"From the very beginning, tumatanggap lang ako ng projects and hindi naman ako kumukumpronta ng tao hangga't hindi ako napupuno. Basta ako, nagtatrabaho lang," sabi ni Juday.

"In fairness din naman sa ABS, inalagaan naman nila ako nang husto. Malaki din naman ang utang na loob ko sa kanila kaya hindi ko naman iaalis sa kanila yun. Yun nga lang, parang sinabi nga ni Tito Alfie [Lorenzo, Juday's manager], marami rin ngang mga maliliit na pagkukulang. Pero ano na yun, ayoko na lang... Huwag na lang nating isali sa usapan kasi tapos na yun. Nakikita ko naman sa kanila that they're doing everything para huwag nang maulit yung mga nangyari," salaysay pa ng young actress.

Ang desisyon ba ni Tito Alfie ay desisyon rin ni Juday?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Yeah, of course!" mabilis niyang tugon. "Si Tito Alfie naman, in fairness sa kanya, hindi naman ‘yan nagde-decide kung hindi naman niya ako kinukonsulta, e.

"May mga konting debate kami minsan, pero very seldom na mangyari ‘yan. Kasi usually, si Tito Alfie, nakikinig naman sa akin ‘yan, e. Or kung anuman, naipapaliwanag naman niya nang maayos sa akin kaya tinutuloy namin yung project," pagtatapos na ni Juday.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"In fairness din naman sa ABS, inalagaan naman nila ako nang husto. Malaki din naman ang utang na loob ko sa kanila kaya hindi ko naman iaalis sa kanila yun. Yun nga lang, marami rin ngang mga maliliit na pagkukulang.... Nakikita ko naman sa kanila that they're doing everything para huwag nang maulit yung mga nangyari," says Judy Ann Santos.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results