PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Edu Manzano discusses the status of "piracy" in the country

Edu says, "Forty percent lumakas ang Philippine movie industry, ang OPM [Original Pilipino Music] 20 percent."
by Nerisa Almo
Published Apr 12, 2007
Optical Media Chairman Edu Manzano prefers a different strategy when raiding the factories and stalls, "Pwede naming hulihin at posasan, pero I would like to take a humane approach."



Seryosong ipinahayag ng Optical Media Board (OMB) Chairman na si Edu Manzano kahapon, April 11, sa presscon ng Walang Kapalit na naganap sa ABS-CBN coumpound, ang mga ginagawang hakbang ng ahensya upang masugpo ang piracy sa bansa.

Ibinalita ng aktor na bahagya nang nakakabawi ang local movie at music industry sa pagkalugi sanhi ng piracy. Ayon kay Edu, "Forty percent lumakas ang Philippine movie industry, ang OPM [Original Pilipino Music] 20 percent."

Sa kabila ng positive development na ito ay hindi naman lubos na umaasa ang aktor na maibabalik pa ang dating sigla ng industriya. Pahayag ng OMB chairman, "Ako, I'd be the first to say, never babalik ang ating industriya to what it was before."

Hindi man daw maibalik, masasabi niyang mas maganda na ang kalidad ng mga lumalabas na pelikula sa ngayon kumpara sa mga dating pelikula. Aniya, "Tingnan mo naman ang quality ng mga lumalabas ngayon, mas maganda ang quality, ang laki ng diperensya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag pa ni Edu, "Itong sinasabi kong 40 percent, ang 40 percent sa atin is 400 million a year ang itinaas. Ang laki nun! Kaya lang, kung babasahin mo ang study ng SWS [Social Weather Station Survey] doon, one of the nakitang aspeto is, there is a better appreciation of Filipino films ngayon. Huwag sanang bumalik ang mga pito-pito na 'yan, 'yung mga bold era na walang katuturan."

Samantala, idiniin naman ni Chairman Manzano na hanggang ngayon ay isinusulong pa rin ng kanyang ahensya ang Zero Piracy. Sa katunayan, natutuwa siya sa positibong epekto ng mga raid na ginagawa nila sa mga bilihan ng pirated CDs, VCDs, at DVDs.

Aniya, "You know, we're very happy now. It's very ironic, but we're very happy na bumababa ang presyo ng [pirated movies]. Ang 8-in-1 [DVD] ngayon ay 30 pesos na lang, which is very, very good kasi 'yong dating market replicating, wala na, kasi we closed na 'yong factories.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"'Yong quality ng produkto now is not good, kaya bumababa ang presyo, kasi kung marami ang bumibili sa 'yo, bakit mo ibababa ang presyo mo? You take it as a positive sign. At the same time, kung mababa ang retail price mo, ang margin of profit maliit na. Kung i-raid pa kita? Ang laki ng lugi mo."

Nang tanungin kung ano ang kanilang strategy sa pag-raid ng mga bilihan at pagsira sa mga pirated albums at mga pelikula, seryosong sinagot ni Edu na, "Pwede naming hulihin at posasan, pero I would like to take a humane approach."
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Optical Media Chairman Edu Manzano prefers a different strategy when raiding the factories and stalls, "Pwede naming hulihin at posasan, pero I would like to take a humane approach."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results