SOP main hosts (from left) Janno Gibbs, Jaya, Regine Velasquez, and Ogie Alcasid sung the "Kapuso" theme song of the new station ID of GMA-7. Photo: Courtesy of GMA-7


Ipinalabas na ang pinakabagong station ID ng GMA-7 sa gitna ng Manny Pacquiao-Jorge Solis fight na ipinalabas sa Kapuso Station kanina, April 15.

Originally scheduled before the actual fight, sa gap between the second and third round ng laban ipinalabas ang station ID na kinunan last Wednesday, April 11, sa GMA-7 studio.

Contrary to earlier news, wala si Jolina Magdangal sa mga kumanta ng theme song ng GMA-7, ang "Kapuso," dahil ang apat na main singers ng SOP ang siyang pinakanta—sina Regine Velasquez, Jaya, Ogie Alcasid, at Janno Gibbs.

Walang interaction ang mga artista sa mga clips na ipinapakita about the every day life of Filipino people, unlike its last station ID kung saan nakikisalamuha ang mga artista sa normal na tao.

Almost all in white—may isang spotted na naka-blue blouse na girl—and shot in two batches, dahil sa dami, halos hindi makita ang lahat ng artistang sumali sa shoot with the exemption of the bigger stars na may separate shots.

May sariling shot ang apat na main singers ng SOP, gayun din sina Jolina Magdangal, Angel Locsin, Jennylyn Mercado, Bong Revilla, Michael V, Mark Herras, Vic Sotto, Joey de Leon, Sunshine Dizon, Iza Calzado, Rainier Castillo, Yasmien Kurdi, and Richard Gutierrez for the last frame. May sarili ring shot surprisingly sina Mark Anthony Fernandez, Tirso Cruz III, Lolit Solis, at Karylle.

Sa News and Public Affairs, may sariling frames sina Mel Tiangco, Mike Enriquez, Jessica Soho, Arnold Clavio, and Vicky Morales.