"There are certain things that have to mend before that happens. For all the years that we had a rocky relationship, hindi naman pwedeng mangyari yun overnight," says Bing Loyzaga about the possibility of reconciliation with her estranged husband Janno Gibbs. Photo: Noel Orsal


Umapaw ang kaligayahan ni Bing Loyzaga sa surprise birthday party na ibinigay sa kaniya ng mister niyang si Janno Gibbs sa Esquinita last April 10. Nag-dinner muna sila with their two daughters, Alyssa and Gaby, plus the boyfriend of Alyssa.

Nandun din ang ina ni Janno, kapatid niyang si Melissa, at ang Lola Fely niya. Sa side naman ni Bing ay bukod-tanging ang panganay na kapatid lang nila na si Chito Loyzaga ang present. Nasa Australia na kasi halos ang buong pamilya ni Bing.

After dinner, nagkaroon ng fireworks na regalo rin sa kanya ni Janno.



"Actually, medyo matagal-tagal nang maganda ang samahan namin. Basically kasi we give each other space to be your own. So with that respect, ‘ayun, we get to live life every day na smooth. Smooth dahil may respeto ka sa isa, e. That's why we have a good friendship," bungad na pahayag ni Bing tungkol sa present status ng relationship nila ni Janno.



Together again? Diretsahan naming tinanong si Bing tungkol sa balitang tuluyan na silang nagkabalikan ni Janno.



"I will not deny the fact that, one, kapitbahay ko pa rin siya. There are days na manonood kami ng tape, or let's say galing siya sa taping ng Lupin, magkukuwento siya, makakatulog siya. He's welcome to sleep in my house, he's willing to sleep in my house," diin ni Bing.



E, sa loob ng bedroom niya?



"Oo," sagot agad ni Bing. "He can sleep in my bedroom for as long as he sleeps. Pero it's not a regular thing. Yun na nga, e, it's hard to explain. Alam ko maraming natutuwa, and natutuwa ako sa kanila na natutuwa sila. Pero it's a friendship that has this kind of respect and he still has his place and he knows it."



Ang importante ay okay sila at okey ang mga anak nila. Hindi naman daw sila tinutukso ng mga bata na magkabalikan na dahil sanay na raw ang mga ito na nakikita silang magkasama.



"Sa mga bata, wala lang," sabi ni Bing. "There's nothing new because it's been like that naman. Nagkataon lang na, let's say in a longer time, nandun lang siya sa bahay niya. Pero ngayon, especially after nung incident na nangyari sa amin [stalking incident], we spend more time together, especially with the kids. Pero we still give each other the respect that one asked for."



Sila na ba ulit?



"I have no idea," sagot niya. " Not that I'm hoping or what, I'm letting it go. Kung anuman ang ibigay ng Diyos, yun lang. Pero ako, I'm not expecting anything. I just pray."



The Courting. Okay lang ba kung ligawan siya ulit ni Janno?



"E, makipagsabayan siya! Ano ba? Makipagsabayan siya, hello?!" biro ni Bing.



Mahihirapan kayang makipagsabayan si Janno sa mga manliligaw niya?



"Ewan ko sa kanya," ani Bing. "I really don't know kasi right now nga, we're really good friends. It's given, e, asawa ko siya. Kahit baligtarin natin ang mundo, asawa ko siya. The mere fact that we have a good friendship... Ewan ko kung ano pa ang magagawa niya, e. Okay naman kami."

Ano naman ang chance ni Janno kung saka-sakaling manligaw ulit ito sa kanya?



"We'll see. I don't know. I'm just enjoying the firiendship we have," ani Bing.



Nakalalamang lang daw si Janno sa mga manliligaw niya dahil sa dalawa nilang anak na babae at nakakatulog na sa bahay nila si Janno.



"Actually, hindi siya welcome matulog!" natatawang sabi ni Bing. "Nang-aagaw pa rin siya ng kumot kaya di ko masyadong gusto. Nilalamig ako. Hindi ako natutuwa!"



Nagsi-share sila sa isang kumot?



"Hindi," sagot ni Bing. "Kasi para siyang lumpia. Nilu-lumpia niya ang sarili niya kaya eventually namamatay ako sa lamig! Kilala ko na siyang ganun and he knows me naman. It's no big deal sa aming dalawa yun. Actually, para nga kaming magkapatid.



"There are certain things that have to mend before that happens. For all the years that we had a rocky relationship, hindi naman pwedeng mangyari yun overnight," aniya pa.



The healing. Hindi masabi ni Bing kung kailan at kung ano ang dapat gawin ni Janno para totally mag-heal ang lahat ng pain na nagkaroon sila noon. May posibilidad ba na ituloy na ni Bing o deadmahin na nang tuluyan ang pagpa-file niya ng annulment case sa kasal nila ni Janno?



Aniya, "Di ba, the last time nag-usap tayo I was saying na I consulted sa lawyer? Tapos nagkaroon kami ng usap ni Janno na pag isa ang may kailangan noon, that's when we will file.



"Kasi nga, it's a gruesome process. From day one, ililista mo lahat. Ay, hello! Day one, hindi ko na maalaala yung ganun. Pero hindi naman sa we're pushing it aside or what. It's a reality of life that everybody has their own lawyers and we don't know what the future brings. Pero sa ngayon, we don't feel that we need anything. Basta nandiyan lang, pero hindi binibigyan ng oras or pansin kasi hindi naman kailangan.



"Well, alam ko uso yung ulit-ulit na nagpapakasal. Pero at least, in my lifetime, alam ko isang beses lang ako nagpakasal. And kahit na siguro ano pa ang misunderstanding magkaro'n kami [ni Janno], I don't think I'll give that away and I don't think he will do the same. Baka kunin ko rin sa kanya," sabi pa ni Bing.



Oyo Sotto. Once and for all, sinagot muli ni Bing ang hindi mamatay-matay na isyu sa kanila ni Oyo Sotto. Mas dumadalas daw kasi na nakikita silang magkasama kung saan-saan.



"Kasi, ano ba? How will you explain something that is not there?" tanong ni Bing.

"Even their parents know na I'm not only close to Oyo but also to Danica. We go to the same church. I had dinner last week in their house. It's a thing na ganun. So, how can you stop something that has been ongoing just because of rumors?"



"We all know each other, our families know one another. We have respect for each other. Yun na nga, kahit ano pa ang gawin nila, I'm not willing to lose my friend because of rumors.



"Sad, pero there are things far greater than rumors and that is friendship. And that will definitely stand up for what it is no matter what rumor may come. So ganun lang yun. ‘Tsaka, Diyos ko naman, ang daming nali-link sa tao. Tantatanan na!" pakiusap pa niya.



Samantala, as a mother, masaya naman si Bing sa boyfriend ng panganay nila ni Janno na si Alyssa dahil marespeto raw ang binata.



"I have no reason to make bastos or anything. He shows a lot of respect. Very decent young man, comes from a very decent family. I expected worst but apparently I was blessed with a lot more. Saludo ako sa kanya," pagtatapos ni Bing.