"Trabaho nila ang mang-okray at ma-okray, di ba? So mapikon ba at ibalandra sa isang interview na asar ka kay Janno dahil ginagawa kang katatawanan? Nasaan ang sense of humor niya roon?"  says Bing Loyzaga (photo) about the continuing rift between her husband Janno Gibbs and Gladys Guevarra. Photo: Courtesy of GMA-7

Ayaw na sanang magsalita pa ni Bing Loyzaga tungkol sa naging interview ni Gladys Guevarra laban sa kaniyang estranged husband na si Janno Gibbs. Ito ay may kinalaman sa panggagamit diumano ni Janno kay Gladys sa mga jokes nito sa kaniyang shows. Pero dahil gusto rin niyang ipagtanggol ang kaniyang asawa at mga anak, nagbigay ng pahayag si Bing.



"If you've all noticed, tahimik lang ako throughout everything. Kasi nga hindi ko naman na laban ‘yan. It's between Janno and Gladys na. As long nga na hindi involved ang name ko at mga anak ko, okey lang. Kaya na ‘yan ni Janno," panimulang pahayag ni Bing sa panayam sa kaniya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa press con ng Sinasamba Kita.



"With the way things are going, parang nadadamay na ang buong pamilya namin. Kaya kailangan ko nang magsalita because hindi na tama ang nakakarating sa akin. Medyo may patama na sa amin, e. Kaya I have to speak up naman to protect my family. After all, ako pa rin naman ang legal na asawa ni Janno, di ba?" aniya pa.



Ang hindi raw maintindihan ni Bing ay kung bakit napipikon si Gladys. Sa pagkakaalam daw ng misis ni Janno ay isa rin itong komedyante. Kung nagagawa nga nilang paglaruan ang ibang tao sa mga shows nila, bakit siya kailangan mapikon sa kapwa rin niya komedyante?



"That's funny, kasi sila-sila itong nag-ookrayan tapos magkakapikunan sila? Ang weird, di ba? Sana hindi na lang ang pagpapatawa ang pinasok niya kung pikon siya. E, trabaho nila ang mang-okray at ma-okray, di ba? So mapikon ba at ibalandra sa isang interview na asar ka kay Janno dahil ginagawa kang katatawanan? Nasaan ang sense of humor niya roon?" paliwanag ni Bing.



Dagdag pa niya, "Kung may nao-offend man, it should be me. Kasi noon pa, noong nagsu-show sila ni Janno sa iba't ibang venues, nakakarating sa akin na nagiging topic nila ako sa mga pagpapatawa nila. Pero I did not take it in a bad way kasi alam kong pagpapatawa lang. Walang kaso doon. Nakita n'yo ba akong nagpa-interview at nagagalit sa kanila? Never, di ba? So dapat alamin mo ang pinasok mong work bago ka mag-react diyan."



Aware din daw si Bing sa mga naging palitan ng text messages nina Janno at Gladys. Nabasa raw niya ang sentimiyento ni Gladys sa paggamit daw ni Janno ng name niya sa Nuts Entertainment.



"I read that kasi pinabasa sa akin ni Janno," sabi ni Bing. "Well, galit siya talaga sa text na ‘yon pero nag-sorry kaagad si Janno. Tapos nag-text ulit si Gladys at hindi na maganda yung mga tinext niya.

"In fairness to Janno, hindi na niya sinagot si Gladys kasi nga baka humaba pa. Kaya sa pagkakaalam ko, yun lang ang mga times na nag-text si Janno sa kaniya. Yung sinasabi niyang ilang beses daw, I don't know. Baka nga nag-text si Janno na hindi ko alam, di ba?"



Sinabi pa ni Bing na hindi raw niya personally kilala si Gladys. Hindi naman daw kasi siya tumatambay sa studio ng Eat Bulaga! sa Broadway Centrum noon kaya wala siyang chance na makilala si Gladys.



"Okay lang naman kahit hindi kami magkakilala. At least now, sa mga lumalabas na mga interviews niya, kilala ko na siya. If ever na magkasalubong kami at binati niya ako, babatiin ko rin siya. Kukumustahin ko kung galit pa ba siya kay Janno at baka bigla siyang magpa-interview!" sabay tawa ni Bing.



THE KIDS. On the lighter side, natutuwa si Bing dahil masaya ang naging 18th birthday celebration ng kanilang panganay ni Janno na si Alyssa Gibbs. Sa Boracay sila nag-celebrate kasama ang ilang kaibigan ni Alyssa, including ang boyfriend nito.



"Talo ako ng anak ko kasi may boyfriend na siya. Ang mommy niya, wiz pa hanggang ngayon!" biro ni Bing.



"But I'm happy for Alyssa kasi she's a grown woman now and she's doing good in school. She's second-year college na sa Ateneo de Manila University taking up BS Psychology. Okey lang na magka-boyfriend siya kasi may tiwala naman ako sa anak ko. Basta huwag lang niyang pabayaan ang pag-aaral niya.



"Though hindi ko siya matulungan sa mga schoolwork niya, ako na lang ang kuwentuhan niya sa mga ginagawa niya sa school at baka sa kaniya pa ako matuto. Everyone knows na hindi naman ako nakapag-college because after high school ay nag-showbiz agad ako.



"No regrets naman. Pero one day kapag siguro tapos na pareho ang mga anak ko sa pag-aaral, I can always go back to school. Wala namang batas na nagsasabi na bawal mag-aral ang mga mapuputi na ang buhok, di ba?" natatawa niyang sabi.



Puwede pang magbuntis si Bing at iniisip nga niya na magkaroon pa sila ng isang anak ni Janno. Hindi naman daw kasi siya hirap magbuntis, pero na-limit lang daw sila sa dalawa lang—sina Alyssa at Gaby.



"Pagiging praktikal lang namin siguro ni Janno noon," aniya. "Aba, kung hindi ako napigilang magbuntis, eh, di sana ang dami na naming anak! Enjoy kasi akong magbuntis, e, pero tama na rin ang dalawa.



"Kung magplano man akong magka-baby ulit, gusto ko kay Janno pa rin. Ayokong ma-confuse ang mga anak ko. Pero dapat ay pag-usapan namin nang mabuti ang arrangements, di ba? Mahirap na at baka may magpa-interview na naman diyan!" tawa ulit niya bilang pangwakas.