PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ai-Ai delas Alas ready to accept offers from GMA-7

Currently, Ai-Ai has no regular show on ABS-CBN.
by Ruel J. Mendoza
Published Apr 23, 2007
"Kung may offer man ang GMA-7, puwede kong i-consider kapag kailangan na talaga," says Ai-Ai delas Alas.


Hindi na nahiyang sabihin ni Ai-Ai delas Alas na wala siyang regular show ngayon sa ABS-CBN kaya kung may offer daw ang GMA-7 sa kaniya, hindi raw siya mag-aatubiling tanggapin ito.



"Wala naman akong exclusive contract sa Dos, e," diin ni Ai-Ai. "Kahit naman sa Star Cinema ay wala na akong kontrata. Itong huling movie ko na Ang Cute Ng Ina Mo ay produced ng Viva Films. Naki-partner lang ang Star Cinema sa movie."



Marami nga ang nagtataka kung bakit hindi mabigyan ng regular show si Ai-Ai considering na isa ito sa prime talents ng ABS-CBN. Ang iba namang talents daw ng Dos ay nabibigyan agad ng bagong show kapag nawala ang isa.



Ayaw na lang mag-comment ni Ai-Ai sa ibang talents ng Dos na tatlu-tatlo ang mga shows. Baka raw mabigyan pa ng masamang impression kung mamumuna siya.



"Naghihintay lang naman ako. Pero siyempre, kailangan ko namang buhayin ang mga anak ko. Kung ako lang, walang problema kasi mabubuhay na ako sa mga raket ko sa live shows. Pero may high school na ako, tapos may dalawa pang akong nag-aaral na mga bata. So paano na ‘yan?" paliwanag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓



"Kung may offer man ang GMA-7, puwede kong i-consider kapag kailangan na talaga. Kilala n'yo naman ako, importante sa akin ay ang kapakanan ng mga anak ko," sabi pa ng mahusay at respetadong komedyante.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Read More Stories About
Ai-Ai delas Alas
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Kung may offer man ang GMA-7, puwede kong i-consider kapag kailangan na talaga," says Ai-Ai delas Alas.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results