Kim Chiu, grand winner of the Pinoy Big Brother Teen Edition, turned 17 last April 19. She was not expecting anything grand that day dahil the day before her birthday, which was on a Thursday, regular taping nila ng kaniyang ka-loveteam na si Gerald Anderson ng kanilang ABS-CBN sitcom na Aalog-Alog.
Isa pa, nakuha na niya ang isa sa mga birthday wishes niya, ang makalabas ng bansa. Last Holy Week, Kim went to Hong Kong for a four-day respite with her sister Lakambini. Gerald and his father also went to Hong Kong at magkasabay sila ng flight but they had different itineraries. Sa Disneyland lang nagkasama sa Hong Kong sina Kim at Gerald.
Wednesday night taping of Aalog-Alog, naunang matapos ng trabaho si Gerald kung kaya't umalis na agad ito.
"Ang sabi niya sa akin, makikipagkita raw siya sa father niya," sabi ni Kim during the special birthday press conference hosted for Kim by ABS-CBN Star Magic yesterday, April 23, sa ABS-CBN compound.
"Hindi man lang siya nag-advance happy birthday sa akin. Ang naisip ko tuloy baka nakalimutan niya. Nung umalis nga ako, naisip ko na mabuti pa ang mga staff and co-stars ko sa Aalog-Alog, naaalala akong batiin," sabi pa ni Kim.
Laking gulat ni Kim nang pagdating niya sa bahay, nandoon si Gerald and two groups ng kanilang Kimerald fans club na may asalto sa kaniya.
"Si Gerald pala ang nagplano nito together with my sister. Ang dami nila, nakakahiya, ang liit lang ng bahay namin," nakangiting pahayag ni Kim.
Complete at instant party ang nangyari dahil bukod sa food, may mga balloons and gifts, at may mga petals pa sa floor.
After that, wala na ring maisip si Kim na regalo pang hihingin dahil, with her success and loving people around her, who could ask for anything more?