Sobra palang na-intimidate si Piolo Pascual kay Regine Velasquez habang ginagawa nila ang first movie nila together, ang Paano Kita Iibigin, from Star Cinema and Viva Films. Ang matinee idol ay nagmistulang fan daw ng Asia's Songbird dahil bukod sa napakagaling na artista ni Regine ay tunay namang nabighani raw siya sa husay nito sa pag-awit.
Ayon kay Piolo, noong nag-recording sila ng soundtrack ng movie, especially yung kanilang duet, halos mapahiya na ang aktor dahil si Regine ay tinapos ang kaniyang parte sa loob lamang ng halos 15 minutes, samantalang siya ay inabot ng halos isang oras.
"Grabe, but I really felt how bad a singer I was that time! Ganun siya [Regine] ka-intimidating. Ibang klase!" sabi pa ni Piolo sa PEP (Philippine Entertainment Portal).
Kaya naman daw kakaririn niya talaga ang pag-record ng kaniyang album after maipalabas ang movie nila ni Regine, in preparation na rin for his big concert sa Araneta this November.
Yes, Piolo will stage a show at the Big Dome after three years na panay out- of-the-country shows at sa maliliit na venues lang niya ito ginagawa dito sa Pinas.
"I'm kinda nervous and excited at the same time dahil bukod sa mga sarili kong compositions, tutulungan ‘ata ako nina Regine at pati na ni Ogie [Alcasid, who wrote the theme song of their movie]. I need to have a hit single para naman hindi nakakahiya pagdating ng November," sabi pa ni Piolo.
Muli naming naitanong kay Piolo ang status ng kaniyang lovelife sa ngayon.
"Tulad ng dati, solo-buhay," sagot niya. "Para ngang mas mahal ko ang sarili ko ngayon dahil wala na talaga akong oras for such. Dati I can go out with friends and some female prospects to bond and try to feel kung mag-work out ang panliligaw, pero wala, e.
"Yung anak ko ngang si Iñigo, halos spare time na lang ang naibibigay ko. This week ay aalis siya papunta sa US to compete for taekwondo. Grabe ang preparation namin kaya't halos araw-araw ko din siyang tinutukan aside from my own personal sked. Ka-eere lang ng Walang Kapalit na sagad din sa promo. How could I give time to whoever my special someone will be kung pati nga pagtulog ko ay de-oras? Bahala na kung sino ang ibigay ni God," paliwanag pa ng aktor bilang pangwakas.