"Definitely, I like him, pero gusto ko sana makilala ko muna siya nang mas matagal," says Isabel Blaesi about Mikee Lee. Photo: Courtesy of Star Magic


Isabel Blaesi is a member of ABS-CBN's Star Magic Batch 13 launched almost two years ago. Si Mikee Lee naman ay isa sa top four housemates of Pinoy Big Brother Teen Edition last year. Magkasama sila ngayon sa Saturday teen show ng ABS-CBN na Star Magic Presents: Abt Ur Luv.



Nang nagsisimula ang kuwento ng Star Magic Presents, nakadikit si Mikee sa love triangle nina Aldred Gatchalian at Valeen Montenegro, at si Isabel naman ay sa love triangle nina Lauren Young and Josh Perez. Recently, binasted na ni Valeen si Mikee, at sina Lauren at Josh naman ang nagkatuluyan, kung kaya't sila ngayon ang pinapares sa show.

Art imitating life, mas nauna pang maging close sina Isabel at Mikee bago sila pinagpares sa Star Magic Presents.



Nagkakilala sina Isabel at Mikee sa isang ABS-CBN special. Infatuated agad si Mikee kay Isabel, kung kaya't kahit hindi sila nai-introduce sa isa't isa, si Mikee na raw ang lumapit kay Isabel at tinawag siyang "pare." Pare raw kasi ang tawagan nina Isabel at ilang ABS-CBN teen stars that time, and that broke the ice.



Nagsimulang manligaw si Mikee kay Isabel early this year, and by Valentines Day, nagdi-date na sila, may kasama nga lang chaperon. Both are just 17 years old. Mikee turned 17 last January, and si Isabel, just this April 1.

It was also last Valentines Day kung saan nasapak si Mikee ng ex-boyfriend ni Isabel, sa bahay mismo ng dalaga, nang inihatid ito ni Mikee.



Naghihintay pala ang ex-boyfriend ni Isabel sa bahay nila, being a family friend naman, at nang nakita si Mikee, hindi ito nakapagpigil at nasapak ng dalawang beses ang Atenistang incoming fourth-year high school student.



Nakasampa na ang kaso ni Mikee sa ex-boyfriend ni Isabel for physical injuries and for violating the Anti-Child Abuse Law, dahil underage pa si Mikee.



Sa ngayon, nagkakamabutihan na sina Isabel at Mikee, ngunit hindi pa raw sinasagot ng dalaga ang binata. Ito ang sabi mismo ni Isabel sa special press con na ibinigay sa kanilang dalawa kagabi, April 24, sa ABS-CBN compound.



"Definitely, I like him, pero gusto ko sana makilala ko muna siya nang mas matagal," sabi ni Isabel. "Mahirap naman kasi na kung kailan kami na, saka pa kami may malalaman sa isa't isa na hindi pala namin gusto."



Hindi naman kailangang mawalan ng pag-asa si Mikee dahil sinisigurado ni Isabel na 99.9 percent sure na nga na sasagutin niya ito.



Kung sakali, Mikee will be Isabel's second boyfriend after her violent ex, and Isabel will be Mikee's first girlfriend. 


Although na-link sa isa't isa sina Mikee at PBB Teen Edition grand winner Kim Chiu, hindi raw ito nag-progress beyond the crush stage, sabi na rin ni Mikee.