PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jopay Paguia blooming because of Joshua Zamora

SexBomb changes schedule of guesting in Eat Bulaga!.
by Kate Borbon
Published Apr 25, 2007
"Mababait po ang mga anak ni Joshua, parehong boys, 14 at 7 years old. Tanggap po nila ako, alam nilang girlfriend ako ng Daddy nila," says Jopay Paguia about the children of her boyfriend, Joshua Zamora.


Sa press con ng "Isla Chikita," ang 15th-season presentation ng Daisy Siete, biniro ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang SexBomb Girl na si Jopay Paguia. Sabi namin, halatang in-love siya dahil lalong blooming siya ngayon matapos aminin on national television na sila na nga ng matagal nang inili-link sa kaniyang si Joshua Zamora, miyembro ng dance group na Maneouvres.

Ngumiti siya nang tanungin namin kung "Tita" ba ang tawag sa kaniya ng mga anak ni Joshua.

"Ay, hindi po. Ate Jopay lang po ang tawag nila sa akin dahil ‘yon ang naririnig nilang tawag sa akin," sagot ni Jopay.

Dagdag pa niya, "Mababait po ang mga anak ni Joshua, parehong boys, 14 at 7 years old. Tanggap po nila ako, alam nilang girlfriend ako ng Daddy nila. Wala rin namang problema si Joshua sa family ko dahil mabait po siya at nakilala na rin siya ng daddy ko bago siya namatay."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Totoo bang hindi kasal si Joshua sa kaniyang dating asawa?

"Hindi po ako nagtatanong kay Joshua," iwas niya. "Ayoko pong makialam doon, basta okay naman po ang lahat sa amin."

Tinanong din namin si Jopay kung totoo na ibinitin ng SexBomb ang Eat Bulaga! last April 18 nang hindi sila dumating sa show.

"Wala pong katotohanan ‘yon," mabilis niyang tugon. "Nagpaalam po si Tita Joy [Cancio, SexBomb's manager] kay Ma'am Malou [Choa-Fagar] na hindi kami makakarating. Iniba na rin po ang araw ng regular guesting namin sa Eat Bulaga!, every Monday and Friday na po sa halip na Monday at Wednesday. Pwede rin po kaming mag-guest kapag Saturday dahil ni-reserve na rin ‘yon ni Tita Joy.

"Alam po sa EB na hindi kami darating kaya nga nandoon ang EB Babes. Kailangan po naming magbago ng araw sa EB dahil sa taping namin ng 'Isla Chikita.' Malayo po kasi ang location namin, sa Lagos del Sol sa Caliraya, Laguna, kaya mahirap kung hindi namin tutuhugin ang araw ng taping, mahirap pong magpabalik-balik doon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinanong din ng PEP si Jopay kung hindi ba siya nasaktan sa sinabi ni Rochelle Pangilinan na si Sunshine Garcia ang pipiliin niyang pwedeng pumalit sa kaniya na mabigyan ng lead role sa mga susunod na episodes ng Daisy Siete kung sakaling matuloy nang mag-solo si Rochelle.

"Hindi po, naiintindihan ko po si Ate Rochelle kung ‘yon ang feeling niya," sabi ni Jopay. "Ang totoo po, nagpapasalamat ako kay Ate Joy dahil isa-isa naman niya kaming binibigyan ng chance na mag-lead sa mga episodes ng Daisy Siete."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Mababait po ang mga anak ni Joshua, parehong boys, 14 at 7 years old. Tanggap po nila ako, alam nilang girlfriend ako ng Daddy nila," says Jopay Paguia about the children of her boyfriend, Joshua Zamora.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results