Nakakatuwang pagmasdan ang komedyanteng si Bayani Agbayani at ang 10-year old daughter niyang si Maria Thalia habang nanonood ng Bamboo... Rocks! concert last April 20 sa Metro Bar, West Avenue. Sa halip na ang misis niyang si Lenlen ang ka-date ni Bayani, ang kasama niya ay ang anak niyang babae. First date daw nilang mag-ama yun, sabi ni Bayani.
Nagkataon daw kasing the following day, April 21, ay kaarawan ni Maria Thalia. Kaya bilang selebrasyon at pagsalubong sa birthday ng kanyang anak, ipinapanood ito ni Bayani ng concert ni Bamboo, na isa sa mga paboritong concert performers ng bata.
Very proud din si Bayani nang i-text niya kami the following day. Dito ay sinabi niyang isang honor student si Maria Thalia sa Diliman Preparatory School, kung saan nasa Grade V na ito.
Sa kasunod na text sa amin ni Bayani, tuwang-tuwa at proud na proud din niyang ina-announce na two months pregnant na ang kanyang misis na si Lenlen sa kanilang pang-apat na anak.
