Young actress-singer Angelika dela Cruz is now seriously considering filing a case against former actor and Caloocan City Mayor Rey Malonzo, who accuses her of being the mistress of incumbent Caloocan City Mayor Recom Echiverri. Photo: Noel Orsal

 

Posibleng umabot sa demanda ang reklamo ni Angelika dela Cruz dahil sa pagkakadawit ng pangalan niya kay incumbent Caloocan City Mayor Recom Echiverri bilang "mistress" daw ng naturang pulitiko.

 

Nakatakdang makipag-meeting si Angelika sa kanyang manager na si Boy Abunda para konsultahin ito sa posibleng paghahain ng reklamo laban kay Rey Malonzo, na tumatakbo muli bilang mayor ng Caloocan City.

 

Nagulo raw ang buhay ni Angelika dahil sa akusasyon ni Malonzo na kabit siya ni Echeverri. Pati na ang pamilya ng young actress-singer ay naapektuhan sa akusasyong ito ni Malonzo. Labis din raw nagdulot nang sama ng loob kay Angelika ang issue at naging dahilan para iyakan niya ito nang husto.

 

Hindi itinanggi ni Angelika ang pagpunta niya sa Veterans Hospital Golf Course and Driving Range noong February 2007, pero hindi raw si Echiverri ang kasama niya, kundi ang kasintahang si Orion Casareo, na isang golfer. Pinatotohanan naman ito ni Orion, na nagsabing kasama pa nila ang kanilang barkada nang magtungo sila sa nabanggit na golf driving range.

 

Sabi ni Angelika, walang basehan para idawit siya ni Malonzo kay Echiverri dahil ni hindi niya personal na kilala ang incumbent mayor ng Caloocan City. Hindi pumapanig si Angelika kay Echiverri, pero dahil sa sama ng loob niya kay Malonzo, inaasahan niyang hindi manalo si Malonzo sa Caloocan.

 

Si Angelika ay nakatira sa kalapit na lungsod ng Caloocan, ang Malabon.