Four PDA scholars given sanctions because of "smoking and drinking"


According to director Jon Ilagan (below, left, with director Laurenti Dyogi), the sanctions given to the four Pinoy Dream Academy scholars—namely, (above, from left) Irish Fullerton, Jay-R Siaboc, Chad Peralta, and Panky Trinidad—were for "smoking and drinking." Because of this, he added, the four have been told to get "much needed rest."

Four PDA scholars given sanctions because of "smoking and drinking"

Dinno Erece

Rating

Convenient explanation? Ayon na rin sa official statement, may convenient explanation din sa pagkakawala nina Jay-R, Irish, Panky, at Chad sa ASAP '07. Pati na ang pagbalik ni Chad sa Australia, ang pagkakatanggal ni Panky sa Cebalo Band, ang hindi pagtuloy ng Warner Music sa debut album ni Irish, at ang pagkakatanggal ni Jay-R sa isang soap na pinag-audition-an nito—issues all connected sa nangyaring kaguluhan sa kanila.

 

"Ayaw na niya talagang mag-showbiz," sabi ni Direk Jon about Chad. "Music lang ang gusto niyang gawin, ayaw niya ng acting. Na-realize niya ito habang dumarami ang trabaho niya. Hindi naman siya agad makakauwi dahil may kontrata pa siya sa kanyang debut album, na out in the market na. After the promotion, he can go if he wants to."

 

As for Irish, sinabi ni Direk Jon na: ‘Hindi pa talaga pirmado ang kontrata ni Irish sa Warner bago sila umalis papuntang States. Pagbalik nila at nangyari na ang lahat, hindi na itinuloy ng Warner ang pagpirma sa kanya, and we have nothing to do with it."

 

Tinanong siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na kung hindi na bibigyan ng album ng Warner si Irish, why not Dream Records ang magbigay sa kanya?

 

"Iba ang musicality being pursued by Dream Records, mellow rock and band type, katulad ng kina Yeng, Jay-R, at ng Cebalo," sagot ni Direk Jon.

 

Kusa naman daw na umalis si Panky sa Cebalo Band.

 

"Ever since, hindi makasundo ng iba ang music ni Panky, so she left. Walang ipapalit kay Panky, contrary to rumor na baka si Iya Ginez ang ipalit sa kanya," paliwanag ni Direk Jon.

 

Hindi naman daw inalis ng DBP si Jay-R sa soap na pinag audition-an nito, ang Pangarap Na Bituin. Ang pagkakaalam nila, hindi pumasa si Jay-R sa final audition kung kaya't hindi siya nakapasok.

 

Sa pagkakatanggal ng apat sa ASAP ‘07, ayon na rin sa official letter, may three-month tenure lang daw ang segment nilang "Dream Request."

 

We asked Direk Jon kung bakit na-retain sina Yeng and Ronnie sa ASAP '07. Ayon sa kanya, ibang segment na raw kasi ito, and besides, may pinu-promote na respective albums ang dalawa. Riding high pa raw kasi ang debut album ni Yeng na Salamat at nag-triple platinum na nga ito. Nasa peak naman ng promotion si Ronnie for his Ngiti debut album from Universal Records.

 

No answer on Jay-R's case na may debut album din namang ipu-promote, or that of Cebalo band, and even Chad na nakalabas na nga rin ng debut album.

 

Underpaid scholars? The last issue we were interested in ay ang balita/comment ng ibang PEP readers na underpaid ang PDA scholars. Inirereklamo raw ng ibang scholars ito sa management at ito raw ang naging totoong dahilan ng sanctions. Nabanggit namin kay Direk Jon that one PEP reader mentioned a hatian of 10-90, 10 percent sa scholars at 90 percent sa DBP.

 

A certain "exbeat" posted this comment in PEP on May 3: "direk lauren dyogi should be blamed for this! 90% ang komisyon ng production niya? 10% lang ang napupunta sa mga talent?! i have met and talked to the Final 6 ng ilang beses... may malalim na dahilan kung bakit 'nagwala' ang mga ito. i must say na true artists do not conform most of the time sa ipinagagawa sa kanila. BDP should have addressed this sa simula pa lang. pinaasa mo lang ang mga taong ito, then, nang nagrebelde dahil sa may mali sa sistema, ibabasura mo na lang. ABS-CBN should investigate sa pangyayaring ito, lalo na sa isyu ng TF..."

 

"Definitely not true," mariing tanggi ni Direk Jon. "Twenty percent lang ang kinukuha ng DBP sa earnings nila above 25 thousand [pesos].

 

"In four months time, we produced seven albums, one multi-platinum [Salamat], one platinum [PDA Compilation Volume 1], two golds [PDA Compilation Volumes 2 and 3], at maggu-gold na rin ang isa pa [Hiling ni Jay-R]. They have regular shows, provincial tours, out-of-the-country tours. Paano sila makakapagreklamo na maliit lang ang nakukuha nila with so many jobs we gave them in a short time? Hindi sila tatagal sa Manila kung hindi sila kumikita."

 

May isa pang gustong linawin si Direk Jon about the setup of DBP: "Dream Big is ABS-CBN. Therefore, it is ABS-CBN ang nagpadala sa PDA sa ibang bansa.

 

"Ang kontrata nila [PDA scholars] is with DBP, but only for the first two years for the top three scholars at one year naman for the rest. After their contract, ibibigay namin sila sa Star Magic [talent arm of ABS headed by Johnny Manahan], at may first option ito whether they want to continue the contract or not."

 

Nakahanda ang DBP na respetuhin ang kontratang napirmahan sa kanila ng Top 6 PDA scholars. Ibig sabihin nito, after their "recommended rest," puwede silang bumalik kung gusto pa nila.

 

In other news, this Sunday, May 6, ipalalabas sa The Buzz ang closed-door taped apology nina Jay-R at Irish sa DBP.

 


Join us on Facebook


Pages: « Prev  1  2  

Related Articles
1 2

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.



Bookmark and Share
Email this link
0 Comments
Follow us on Facebook Follow us on 4ter Subscribe on RSS Subscribe to Newsletter



Advertisement