Isang ashtray raw ang nahulog sa carpet kung kaya't nalaman na nagsisigarilyo sila, kaya pinag-fine sila ng hotel.
Asked about the alleged pag-inom ni Yeng at balitang pagsusuka nito, sinabi ni Direk Jon na kung napainom daw si Yeng, malamang ay nakikisama lang sa iba, at hindi rin raw nagsuka ang Grand Champion. Si Panky raw ang nagsuka, ngunit sa ibang okasyon at lugar.
Isa pa raw sa naging rason ng pag-fine sa apat ay ang pagkasira ng wire cable sa TV.
Sa isyung "room swapping" daw among Irish, Jay-R, Panky, and Chad, Direk Jon could only conjecture na malamang nangyari ito para na rin sa non-smokers at non-drinkers na sina Yeng and Ronnie. Ipinagsama sa isang kuwarto ang dalawa while the rest indulged their vices.
Walang comment si Direk Jon sa isyung pagmamaldita raw ng iba sa mga fans, or even the intentional vandalism of their hotel rooms. Ang pagkakaalam niya raw, wala namang ganoong nangyari—both ang pagmamaldita at ang pagba-vandalize ng mga kuwarto.
Convenient explanation? Ayon na rin sa official statement, may convenient explanation din sa pagkakawala nina Jay-R, Irish, Panky, at Chad sa ASAP '07. Pati na ang pagbalik ni Chad sa Australia, ang pagkakatanggal ni Panky sa Cebalo Band, ang hindi pagtuloy ng Warner Music sa debut album ni Irish, at ang pagkakatanggal ni Jay-R sa isang soap na pinag-audition-an nito—issues all connected sa nangyaring kaguluhan sa kanila.
"Ayaw na niya talagang mag-showbiz," sabi ni Direk Jon about Chad. "Music lang ang gusto niyang gawin, ayaw niya ng acting. Na-realize niya ito habang dumarami ang trabaho niya. Hindi naman siya agad makakauwi dahil may kontrata pa siya sa kanyang debut album, na out in the market na. After the promotion, he can go if he wants to."
As for Irish, sinabi ni Direk Jon na: ‘Hindi pa talaga pirmado ang kontrata ni Irish sa Warner bago sila umalis papuntang States. Pagbalik nila at nangyari na ang lahat, hindi na itinuloy ng Warner ang pagpirma sa kanya, and we have nothing to do with it."
Tinanong siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na kung hindi na bibigyan ng album ng Warner si Irish, why not Dream Records ang magbigay sa kanya?
"Iba ang musicality being pursued by Dream Records, mellow rock and band type, katulad ng kina Yeng, Jay-R, at ng Cebalo," sagot ni Direk Jon.
Kusa naman daw na umalis si Panky sa Cebalo Band.
"Ever since, hindi makasundo ng iba ang music ni Panky, so she left. Walang ipapalit kay Panky, contrary to rumor na baka si Iya Ginez ang ipalit sa kanya," paliwanag ni Direk Jon.
Hindi naman daw inalis ng DBP si Jay-R sa soap na pinag audition-an nito, ang Pangarap Na Bituin. Ang pagkakaalam nila, hindi pumasa si Jay-R sa final audition kung kaya't hindi siya nakapasok.
Sa pagkakatanggal ng apat sa ASAP ‘07, ayon na rin sa official letter, may three-month tenure lang daw ang segment nilang "Dream Request."
We asked Direk Jon kung bakit na-retain sina Yeng and Ronnie sa ASAP '07. Ayon sa kanya, ibang segment na raw kasi ito, and besides, may pinu-promote na respective albums ang dalawa. Riding high pa raw kasi ang debut album ni Yeng na Salamat at nag-triple platinum na nga ito. Nasa peak naman ng promotion si Ronnie for his Ngiti debut album from Universal Records.




